Dali-dali akong bumaba. Sa sobrang kaba ay hindi na ako nakapagpaalam kay Ms. Cheena. Pagdating ko sa groundfloor at paglabas ko ng gusali, nakita ko agad ang pink na motor. Naando'n si Sam, nakasandal habang nilalaro sa isang kamay ang helmet na lagi kong gamit kapag umaangkas ako. Hindi pa man din ako nakakalakad palapit, tumama na ang mata niya sa akin. Napalunok ako sa tindi ng titig na iyon. Kahit pa may suot na siyang helmet, kitang-kita ko ang talim no'n. "Suot mo ito" malamig niyang sambit nang makalapit ako. Ibinato niya sa akin ang helmet na dati ay siya naman ang nagsusuot sa akin. Sinunod ko na lang siya kahit na-offend ako sa pinakita niya. Una siyang sumakay sa motor, wala akong balak na alalayan kaya buong sikap akong sumakay kahit medyo hirap ang aking biyas sa mo

