Walang lumabas na isang salita sa aking bibig hahang patuloy na nagrerehistro sa aking utak ang mga sinabi ni Sir Sam. Can I court you Gigi? "Don't answer it" sambit niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. "I mean, I'll court you even without your permission" kumabog ang puso ko nang bigla siyang kumindat bago lumayo sa akin at isarado ang pinto. Umikot naman siya papuntang driver seat at binuksan ang makina ng kotse. Tahimik lang ako sa biyahe. Hindi ko alam ang sasabihin. Basta wala akong masabi. "Did I shock you? I'm sorry" paghingi niya pa ng paumanhin. Wala pa rin akong imik. Hindi ko kasi alam ang sasabihin sa kaniya. "Uhmm..I know everything is so sudden but can we talk?" Naramdaman kong sumilip siya sa akin kaya lumingon ako. Naghihintay siya sa sagot kaya simp

