Alam niyo 'yong pakiramdam na parang hinihika? Pakiramdam ko walang hangin dito sa loob. Para bang desperado akong kumuha ng hangin. Ang sakit. Ramdam ko ang bawat daloy ng luha sa aking pisngi. Gusto ko iyong pigilan pero tulo iyon ng tulo. "Are you okay Gigi?" Tanong ni Doc Gia. Kaagad akong dumistansiya sa kaniya. Huminga ako ng malalim bago pinunasan ang luha sa aking mata. "Hey Gigi, what's wrong?" "Kailangan ko na pong umuwi Doc. Sorry h-hindi na kita masasamahan" "O-okay? Sige.." Tumango ako bago ako tumayo sa kinauupuan. Muntikan pa akong mawalan ng balanse dahil ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko. "Are you really okay Gigi?" Tanong niya ulit pero hindi ko na magawang sagutin iyon. Kailangan kong huminga kaya dali-dali akong umalis ng bar na iyon. Lumabas ako pa

