Sa mga sumunod na araw ay naging masaya na ulit kaming dalawa ni Sam. Parang walang nangyari sa amin noong nakaraan. Parang naging isang normal na araw lang ang dumaan. Katulad ng ginagawa namin, nagte-text at tumatawag kami sa isa't isa tuwing may oras at lumalabas rin para mag-date kapag nagkakataon. Ngayong araw ay nasa sa tambayan kami at nakatambay ngayon sa labas. Nagmemeryenda kami ng in-order niyang pizza. Nakaupo ako sa duyan habang si Sam ay nililinis ang kaniyang motor. Pinapanuod ko siya habang naglilinis at walang oras na hindi mahalay ang isip ko. Paanong hindi? Wala siyang suot na pangtaas. Tanging suot lang niya ay kulay pink na short. Nakabalandra lang naman ang napakagandang hubog ng katawan niya. Ang kaniyang abs na sadya namang nakabukol sa tiyan niya at pati ang

