Pilit kong iniintindi kung saan ako nagkamali. Sa pagkakaalam ko wala akong ginawang masama. Kung noon ay hahanapin pa ako ng mga mata niya ngunit ngayon ay parang wala siyang pake presensiya ko. Kahit pa lumalapit at tinitingnan ko siya ng matagal, hindi niya ako tinatapunan ng tingin. "Hiwalay na kayo ano?" Sambit ni Jona na nasa aking tabihan. "Hindi." kaagad kong tanggi. "Bakit mo naman naisip 'yan?" Naging mailap ang tingin ni Jona sa akin. "Ay akala ko lang! Hindi na kasi kayo nagpapansinan" Bumuntong hininga ako. "Hindi niya ako pinapansin pero hindi ko alam kung bakit" "Nagkaroon sila ng alitan ni Sir Harvey ah? Akala ko alam mo na ang dahilan" "Nalaman kasi ni Harvey na may relasyon kami. Akala ko magiging okay lang pero hindi ko alam na magiging tutol pala siya ng

