"Congrats bud!" Iyon ang salubong ni Harvey sa kaibigan habang ako ay nanigas sa kinatatayuan. Nakatingin pa rin sa akin si Sir Sam na para bang may ginawa akong kasalanan. Siya nga ang mayroong atraso sa akin. Masiyado ako nalinlang sa kaniyang kagwapuhan at kabaitan. "Do you know her?" Iyon ang una niyang tanong imbis na salubungin ang kaibigan. "Oh? Gigi?" Ngumiti si Harvey sa akin bago ako biglang inakbayan. Nahigit ko ang hininga sa gulat. "She's my childhood friend, Gigi.Hindi ko alam na PA pala siya ng partner mo sa movie. What a coincidence!" Napalunok ako nang matindi nang nanlisik ang mata ni Sir Sam sa kamay ni Harvey. "Childhood friend?" Tumaas ang isa niyang kilay habang tinitingnan kaming dalawa. "Oo. Katulong namin dati ang nanay niya sa probinsiya tapos

