Sobrang tense ako habang nasa loob ng kotse. Panay ang kalikot ko ng buhok dahil hindi ako mapakali. Bakit kasi naandito si Sir Sam? Ito ang pangalawang beses na kasama ko siya sa labas ng trabaho. "Naiilang ka ba kay Sam?" Mukhang napansin ni Harvey ang pagka-ilang ko. "Huwag kang mailang diyan. Normal lang 'yan na nilalang. Mabaho din ang utot" Nag-tsk naman si Sir Sam kaibigan bago lumingon sa akin. Nakita ko dahil sa rear mirror na tumingin siya sa akin. "Huwag kang mailang" ani sa akin ni Sir Sam. It's not like wala tayong pinagsamahan" "Wow, pinagsamahan talaga? Para naman kayong mag-ex niyan" Natatawang sambit ni Harvey. Kumabog ang puso ko ng malakas sa sinabi niya. Nagtama tuloy ang mata namin ni Sir Sam sa rear mirror dahil do'n. Humalakhak ng mahina si Sir Sam.

