"Okay na kaya itong suot ko?" Hindi ako mapakali. Ngayon ang araw na mag-da-date kami ni Sir Sam. Kagabi pa ako walang tulog dahil nasasabik ako na kinakabahan. Hindi ako maayusan ni Ma'am Cheena dahil wala ito sa mood. Noong araw din na iyon, may hindi magandang nangyari. Sinampal ni Cleo ang amo ko. Napaganti nga ako at bago ko pa masuntok ay pinigilan na ako ni Sir Sam. Hindi lang iyon ang kinahihimutok ni Ma'am Cheena. 'Yong lalaking nahuli kong kasama niya sa hotel, kalandian na ni Cleo. Sa pagkakaalam ko Reviro ang pangalan niya. Masama yata ang loob ni Ma'am Cheena na si Cleo na ang kalandian nito pero nasabi naman niya sa akin na f*ck buddies sila. Alam ko ang katagang iyon. Pero sa nakikita ko ngayon, parang apektadong apektado si Ma'am Cheena sa lalaking iyon. Alam

