"Ano? Masakit?" "Opo. Medyo masakit" sagot ko kay Sir Sam nang makahanap kami ng uupuan. Pagkatapos kong makuha ang teddy bear ay doon ko lang naramdaman ang sakit ng aking katawan. Nahilo din ako kaya naman nagpahinga muna kami saglit. May kalahating bag pa kami ng token pero wala na akong lakas maglaro. Inilapag ni Sir Sam ang pagkaing binili niya at pinagbuksan ako ng tubig. Inabot niya iyon sa akin "Kumain ka muna nitong dala kong french fries tapos maglaro ka pa kung gusto mo" Tumango ako bago ako uminom ng tubig na ibinigay niya at ngumuya. Ipinipikit ko din ang mata para ipahinga iyon saglit. Pagmulat ko ulit, tumama ang mata ko kay Sir Sam. Malawak ang ngiti nito habang hawak ang teddy bear na bigay ko. Nahawa tuloy ako. Napangiti din ako sa eskpresyon ng mukha niya

