Hindi ko alam kung ilang minuto ang dumaan bago bumalik si Gavin sa kwarto. Mugto ang kanyang mga mata at hindi ako matignan. Hindi na rin siya nagsalita pa o kinausap ako para pilitin. Mabuti na 'yong gano'n, kailangan ko munang pagpahingain ang isipan ko dahil pagod na pagod na akong mag-isip sa letseng condition ko na 'to! "Kukunin ko lang 'tong unan." mahinang aniya saka kinuha ang unan sa tabi ko na siyang unan na ginagamit niya. Maybe, hindi siya tatabi sa akin. At tama nga ako, inilagay niya sa sofa ang unan. Ako naman ay nanatili pa ring walang kibo. "Dito . . . dito na muna ako matutulog," nahihirapang wika niya. Napalunok ako saka na pumikit. Alam kong ayaw niyang nalalayo ako sa tabi niya, pero mas minarapat niyang huwag na muna ngayon dahil alam niyang galit ako. Ok lang nama

