HABANG pababa ng sasakyan ay ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Nanginginig ang mga tuhod ko na para bang ang hirap-hirap maglakad sa gano'ng sitwasyon. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko nang nasa tapat na 'ko ng bahay ng lalaking iniwan ko noon, si Gavin na siyang dati kong kasintahan. Kaarawan niya ngayon at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nakita niya ‘ko ulit pagkatapos nang halos apat na taon.
Pero, maging masaya nga kaya siya ngayon kung umalis ako noon? Oo, alam kong mali na iwan siya nang walang ibinibigay sa kanya na kahit anong rason, na iniwan ko na lang siya bigla. Pero ginawa ko lang naman ‘yon para sa kanya, eh, para hindi na siya masaktan pa kapag nalaman niya ang totoo kong kalagayan, ang totoo kong dahilan. Ayoko lang na mag-alala pa siya para sa ‘kin. Kahit naman siguro sino, gagawin ang lahat para lang hindi masaktan ang taong minamahal nila, 'di ba?
“I miss you, Pia!" salubong sa akin at sabay yakap ni ate Alexandra nang makapasok na 'ko sa loob. She’s Gavin older sister.
Actually, she’s the one who invited me on this day, at ang nag-pumilit na kausapin ko na ang kapatid niya para raw maayos ko na ang bagay na iniwan ko noon. Tumanggi pa ‘ko nang una dahil parang wala pa akong lakas ng loob at mukhang maihaharap sa kanya, but then I realized na tama siya, kailangan kong itama ang pagkakamali ko habang nandito pa ‘ko, habang may oras pa, habang may pagkakataon pa.
Bahala na lang. Kung ano man ang mangyari ngayong gabi sa pagitan naming dalawa, masakit man ‘yon o hindi, tatanggapin ko dahil alam kong ‘yon ang resulta ng pang-iiwan ko sa kanya noon. Sana lang ay kayanin ko... sana.
“I miss you too, Ate,” saka ko siya niyakap pabalik.
“Are you ready? Don’t be nervous, ok? Everything will be alright soon,” mahinang bulong nito sa tenga ko at kumalas na sa yakap pagkatapos. Sana nga, everything will be alright soon, dahil umaasa pa rin ako.
Habang naglalakad kami maraming bisita akong nakikita. May mga naka-bussiness attire, siguro ay mga kasosyo sa negosyo ng Daddy ni Gavin ang mga ‘yon. Meron din akong nakikita na kasing-edad lang namin ni Gavin, marahil ay mga kaibigan niya ‘yon.
Patungo kami ngayon sa mismong loob ng bahay dahil mas magandang magharap at magkausap kami ni Gavin nang tahimik lang ang paligid, walang istorbo, walang ingay, kaming dalawa lang. At para rin maipaliwanag ko sa kanya nang maayos ang kung ano nangyari sa akin noon.
Kabadong-kabado ako habang naglalakad, namamawis ang mga kamay ko, at ‘yung puso ko hindi ko na maintindihan, nagkabuhol-buhol na dahil sa sobrang lakas ng t***k.
Nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng mismong kabahayan, nanibago ako. Ang daming nagbago sa ayos ng mga gamit dito noon. Kung titignan ang buong bahay, lalo itong gumanda. Nakakapanibago nga lang . . . Marami na nga sigurong nagbago sa lahat, pero umaasa ako na sana sa aming dalawa ay wala.
“Pia, punta lang ako ng restroom sandali, ah? Babalik rin kita ka-agad,” paalam sa akin ni ate Alexa. Tumango ako sa kanya bilang pagsagot.
Tahimik ang buong kabahayan, hindi tulad sa labas na maingay kung saan nandodoon ang party, dito ay nakakabingi ang sobrang katahimikan. Habang nakaupo ako sa couch dito sa sala may mga yabag akong naririnig. Hindi ko na inabala pang tignan kung sino, baka si ate Alexa na ‘yon.
“So, totoo nga ang balitang umuwi ka na?" Natigilan ako nang mapakinig ang malamig na boses na ‘yon. Kilala ko kung sino siya, kilalang-kilala ko ito. Sa matagal na panahon na hindi ko narinig ang tinig niya, alam ko pa rin na siya ‘yon. Ngayon ko na lang ulit siya makikita, my Gavin.
Hindi ko maramdaman ang sariling hininga nang mga oras na ‘yon. Para bang may nagkakarerahan sa puso ko. Nanlalambot pa ang mga tuhod ko nang tumayo upang humarap sa kinaroronan ng nagsalita.
At hindi nga ako nagkamali, siya nga. He’s standing in front of me. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. And again, are gazes gradually met. Ngunit blangko lang ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Wala akong makitang reaksyon o ekspresyon mula sa kanya.
I looked at him from head to toe, wala naman nagbago sa pisikal na kaanyuan niya. Nanatili pa rin itong gwapo, at kita pa rin sa pangangatawan niya ang kakisigan. Oh my, Gavin! Na-miss kong makita siya nang personal, sa litrato ko na lang kasi siya natititigan simula nang umalis ako.
Magasalita pa lamang sana ako nang marahas ako nitong nilapitan at hinawakan nang mahigpit sa aking palapulsuhan. Gusto kong dumaing dahil ang sakit ng pagkakahawak nito sa akin doon, pero walang nanulas sa aking bibig. Nakatingin lang ito sa akin, at malamig pa sa yelo ang tingin na ipinupukol niya. Para naman akong tinutusok ng libo-libong karayom dahil sa tinging ibinabato niya sa akin. Ang sakit!
“Anong ginagawa mo rito, ha?! Sinong nagsabi sa’yong pumunta ka rito?!” pasigaw na tanong niya. Nagulat naman ako sa pagtaas ng boses nito sa ‘kin kaya naman halos manlaki ang mga mata ko. Napalunok ako nang wala sa oras. Kahit kailan ay hindi pa niya ‘ko sinigawan, o kung ano man. Ngayon ko lang nakita sa mukha niya ang galit para sa ‘kin. Hindi ako sanay sa ganito, na ganito siya sa akin. Paano ba napunta sa ganito ang lahat?!
“G-Gavin, n-nsasaktan ako!" 'Yon lang ang nasabi ko. Bumaba naman ang tingin niya sa pagkakawak sa akin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ‘yon pero parang may dumaan na pag-aalala sa mukha niya. Ngunit, ilang sandali lang ay matalim muli ako nitong tinignan, para akong maiiyak. Hindi niya 'ko ganito tignan dati. Dati ay nakikita ko ang pagkislap ng mga mata niya, pero ngayon iba.
Si Gavin ba talaga 'to? Bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin? Ibang-iba 'to sa noon. Dati ay kung kausapin ako nito ay may halong paglalambing, at hindi niya 'ko basta-basta lang hinahawakan kung hindi hinahawakan niya 'ko nang may pag-iingat, na para bang isa akong babasagin na bagay na kailangang ingatan. Pero bakit ngayon? Hindi ko inaasahan na ganito ang sasalubong sa ‘kin!
Akala ko pa naman, kapag nagkita kami ulit ay sasalubungin niya 'ko nang mahigpit na yakap, o kaya naman ay pa-welcome man lang para sa pagbabalik ko pero . . . akala lang pala lahat ng akala ko, iba ang nakikita ko sa kanya ngayon, hindi siya masaya na narito ako, lalo na ang makita ako ulit.
“Gavin,” Halos hindi ko marinig ang sinabi dahil sa panginginig. Nanlalabo ang mga mata ko na nakatitig nang deretso sa kanya, pero nag-aalab sa galit ang nakikita ko mula sa mga mata niya.
“Don’t call me that! Wala ka nang karapatan pa na tawagin ako sa pangalan kong 'yan! You lost the right to call me that long time ago!” sigaw nito sa ‘kin. Napaigtad ako nang marahas ako nitong binitawan at pinagbabasag nito ang mga bagay na mahawakan niya pagkatapos. Natakot ako bigla sa itsura niya kaya napaatras ako, galit na galit siya. Nasaktan ko ba siya nang sobra kung kaya’t ganito siya sa ‘kin ngayon? I'm sorry, Gavin! I didn't want to do that! I just don't have a choice.
“Ano bang gusto mo?! ‘Di ba umalis ka na?! Bakit nandito ka ngayon?!” mariing tanong nito. Kalmado lang ang mukha niya pero naroroon ang nagbabadyang panganib. Para itong mabangis na hayop na anumang oras ay makakapanakit, nakakatakot!
“B-bumalik ako para sa’yo,” mahinang sabi ko, sapat lang para marinig niya. Matapos kong sabihin ‘yon ay tuluyan na ngang kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Yumuko na lamang ako para hindi niya makita.
Paano naging ganito? Umalis lang naman ako para sa kanya, sa ‘kin. Babalik naman ako, eh, pero parang sa nakikita ko wala na ‘kong babalikan pa. Ayoko naman talaga siyang iwan noon, pero wala na akong pagpipiliian. Hindi lang naman ako basta umalis, eh, may mabigat na rason ako kung bakit ko nagawa ang bagay na ‘yon.
Oo, hindi ko naman siya masisisi kung bakit galit na galit siya sa ‘kin ngayon. Kung ako rin naman, gano’n rin ang mararamdaman ko kung sa akin nangyari 'yon. Pero, kung 'yan ang magiging trato niya sa akin ngayon ay malugod ko 'yong tatanggapin, deserve ko naman ‘yon, eh. Pero ang hiling ko lang sana, pagbigyan niya ako na makausap siya nang maayos, na bigyan niya ako ng oras para magpaliwanag, na hayaan niya akong bumawi sa kanya para bumalik kami sa rati, nang mapatawad niya rin ako nang lubusan. ‘Yon lang ay sapat na sa akin.
Alam kong sa una lang ‘to, alam kong babalik din ang pagkasabik ng lalaking mahal ko sa akin. Hindi ako susuko, hindi ko siya susukuan. Kung kailangan kong humingi ng tawad sa kanya nang paulit-ulit, nang araw-araw, gagawin ko. Mahal na mahal ko siya! Gusto kong makasama siya ulit habang may oras pa. Nagdusa na ‘ko sa halos apat na taong iniwan ko siya. At ngayong nandito na ‘ko ulit, pagkakataon ko na ‘to para bumawi sa kanya sa lahat ng pagkakamali ko. I will do my best to get him back, to get him back in my arms again kahit pa . . . mahirap.
“Bumalik?” Pagak itong tumawa. “Bakit ngayon pa? Babalik ka, para ano? Para paasahin ako? Para umalis ka ulit? Para saktan na naman ako? Para iwan mo na naman ako ng walang sinasabing rason? Para iwan na naman akong miserable? Gano’n ba, ha?!" Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, tanging hagulgol lang ang nagawa ko. Ilang sandali pa ay nakita kong humahangos patungo sa direksyon namin si ate Alexa. May pag-aalala nito akong tinignan.
“What’s your problem, Jace?” Mababakas ang inis sa boses ‘yong ni ate Alexa. Naihilamos naman ni Gavin ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Umiigting ang panga niya nang muli siyang tumingin sa akin, galit na galit ang mga mata at nagtatangis bagang. Gusto ko na lang talagang isarado ang mga mata ko, ayaw kong tinitignan niya nang gano'n, hindi lang literal na masakit, sobrang sakit.
“What’s my problem? Ako pa ngayon ang may problema? Tsk! Nananahimik ang buhay ko rito tapos makikita ko ang babaeng ‘yan rito sa mismong birthday ko at sasabihing babalik siya? Ginagago niyo ba 'ko?! Naging miserable ang buhay ko nang iwan niya ‘ko, at ngayon babalik siya na parang walang nangyari? Ano ‘yon, magic? Na gano’n lang kadali na kalimutan ang ginawa niyang pang-iiwan sa ‘kin---"
“Lower your voice, Jace!” mariing sabi ni ate Alexa sa kapatid. Tumahimik si Gavin. Nagtataas baba ang dibdib nito. Nakakuyom ang mga kamao niya at nanlilisik pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa ‘kin. Kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa ‘ko bumulagta sa sahig.
“A-ate Alexa, o-ok lang. H-hayaan mo siyang magalit sa akin, t-tatanggapin ko. Kung ‘yon ang paraan para mabawasan ang galit niya, ok lang. K-kasalanan ko naman lahat ng ‘to, eh,” singit ko sa usapan nilang dalawa. Hinawakan ako ni ate Alexa sa kanang kamay ko at marahang hinaplos-haplos ‘yon.
“Wala siyang alam kung anong nangyari sa ’yo, kaya wala siyang karapatan na magalit sa ’yo, Pia!” Mabigat akong napabuntong hininga. Tama ang sinabi niya, pero ako pa rin ang pulot-dulo ng lahat ng ito kaya naiintindihan ko si Gavin.
Tinignan ko lang nang malalim sa mata si ate Alexa na ang ibig sabihin ay iwan niya muna kami, na ibigay muna sa amin ang oras na 'to, na hayaan muna niya kami na makapag-usap nang kaming dalawa lang, na huwag siyang mag-alala. Nag-alinlangan pa siya nang una pero gamit ng tingin ay isinigurado ko sa kanya na ok lang ako kaya umalis rin siya kalaunan.
“Gavin, hindi ko alam kung paano magsisimula but I’m s-sorry. Oo, a-alam kong mali ang ginawa ko at galit na galit ka dahil do’n, pero sana tanggapin mo ‘yung paghingi ko ng tawad, kahit hindi mo muna ako mapatawad, kahit hindi muna ngayon. Ang mahalaga sa akin ay hayaan mo akong bumawi sa ’yo at bumalik tayo sa rati kahit pa--"
“Kahit kailan hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa ‘kin, ‘yan ang itatak mo sa utak mo, Pia! Iniwan mo ‘ko, at anong rason? Wala, wala kang sinabi! Ang galing mo, ‘di ba? Nagmukha akong tanga nang mga oras na ‘yon. Hinintay kita, hinintay kita p*tang ina! Pero naghihintay lang pala ‘ko sa wala, dahil ‘yun pala umalis ka na! You already leave me! You leave me without saying any reason!” Bakas sa mukha nito ang sakit habang sinasabi ang mga salitang 'yon.
“L-love,” Rumehistro sa mga mata nito ang galit nang tawagin ko ang endearment namin nang kami pa. Kahit ako ay nagulat nang ‘yon ang nasabi ko at lumabas sa bibig ko, nasanay nga siguro ako.
“Matagal na tayong tapos, Pia! Huwag kang mag-assume na tayo pa rin! ‘Di ba? Ikaw pa nga ang nakipaghiwalay sa ‘kin?! Tapos ngayon tatawagin mo ‘ko sa endearment na 'yan? Ang kapal mo rin para bumalik pa! Bakit hindi ka na lang bumalik kung saan ka nanggaling? Umalis ka na rito!” pagtataboy niya. Gusto talaga niyang umalis na ako? Bakit sobrang sakit naman nito! Parang hindi ko na kaya!
“G-Gavin, huwag ka naman ganyan magsalita sa ‘kin! H-hindi mo ‘ko naiintindihan---"
“Paano ko maiintindihan? T*ng ina!” Nagtangka ako na lapitan siya pero . . .
“Huwag na huwag mo ‘kong lalapitan!” mariing sambit nito. Napaurong ako. “Baka kung ano lang ang magawa ko sa ’yo kapag lumapit ka sa ‘kin! So stop right there, don’t come near me!” Nagulat ako sa sinabi nito. Pinagbantaan niya ‘ko, na kahit kailan hindi niya ginawa, ngayon lang. Parang kailangan ko ng oxygen dahil hindi ako makahinga nang maayos. Natatakot ako sa awra niya.