"Ano ba'ng pinagsasasabi mo? Alam mong magkaibigan lang tayo, Paulo. Si Gavin pa rin ang mahal ko kahit na binabalak ko na maghiwalay kami. At sa tono ng pananalita mo, para kang nanunumbat, ha? Hindi ako makapaniwala sa 'yo, Paulo! Baka nakakalimutan mo, kusang loob mo naman 'tong ginawa! Pero bakit parang ngayon ay isinusumbat mo sa akin ang mga 'yon? Hindi ko inaasahan sa 'yo na lahat pala ng pagtulong mo sa akin ay gusto mo may kapalit! Kung alam ko lang na ganito at ganyan kang tao, sana pala ay hindi na 'ko umalis sa bahay namin ni Gavin! Dahil sa totoo lang, parang naisip ko lahat ng mga nangyari ngayon, napagtagpi-tagpi ko lahat ng mga 'yon, na you're all doing this just because you want to get me, that you're very supportive on that divorce because you know that after that you wil

