"Naku! Hindi man lang sinabi sa 'kin ni Farah na papupuntahin ka Frexa dito sa bahay ko. Umalis kasi ako at pumunta ng simbahan, pagpasensiyahan mo na kung ngayon lang ako bumalik. Nagkausap kasi kami ni Father John na medyo tumatagal ng ilang oras," paliwanag ni Tiya Sabel sa 'kin habang iginagaya ako sa gate ng bahay niya.
Halatang humahangos pa siya nang makita ako kanina ng salubungin ko siya. Pero sobra akong nagagalak na muling makita ang dating nag-alaga sa akin nang bata pa ako.
"Okay lang po Tiya Sabel. Kararating ko lang din naman po," wika ko at naglakad palabas ng gate.
"Ganoon ba?" Nakita ko ang malalim na buntong-hininga niya. "Mabuti naman." Sumilay ang munting ngiti sa labi niya.
"Sige ho. Natutuwa po akong makita ho ulit kayo Tiya," nakangiting paalam ko.
"Ako rin, pamangkin. Lumaki kang mabuting bata. Sana manatili kang ganyan. Ikumusta mo na lang ako sa kina mama at papa mo pagkauwi mo."
Yumakap pa siya sa akin bago humalik sa pisngi ko. Pumasok rin naman siya agad ng kanyang bahay tumawag ang simbahan kanina sa telepono at may nais na linawin, sandali lang ni Tiya Sabel na in-on hold muna 'yon para ihatid ako kahit hanggang gate.
"Ang sipag mo rin talaga." Napaigtad ako sa gulat nang biglang sumulpot si Joseph sa tabi ko.
"Ano ba 'yan!" singhal ko habang sapo ang dibdib sa gulat.
Nakangisi lang siya na mukhang natuwa pa sa panggugulat sa 'kin. "Magugulatin ka rin pala Frexa." Narinig kong mahinang tumawa siya. "Akalain mo ‘yon, nagugulat din pala ang mga duwende."
Sa sobrang inis ipinalo ko sa kanya ang dala kong bayong. "What the!" Pinutol ko agad ang sasabihin niya matapos ko uling ipalo ang bayong sa binti niya.
"Masakit na ah!" reklamo niya. Kunot ang noo at nakanguso ay sapo niya ang marahil masakit na natamaan na braso kanina. Hindi naman kalakasan ang pagkakahampas ko maselan lang ang hudyo.
"May nakakatawa ba?" taas ang kilay na tanong ko. Agad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at napalitan `yon ng mapaglarong ngiti. "Ako ba iniinis mo?" galit kong tanong. Nakaambang masasaktan siya ulit sa hawak kong bayong.
Mabuti na lang talaga at wala pang gaanong tao sa paligid, kahit nasa gitna na kami ng kalsada walang maninita sa amin. "Masakit ka pala gumanti. Mabuti na lang wala kang dalang bayong sa school," aniya.
Hinintay niya ba ‘ko? Parang kanina pa ata nang huli kaming mag-usap, sigurado akong umalis na siya kanina pa lang. Huwag sanang tama ang tumatakbo sa isip kong baka hinintay niya ko?
"Ikaw nga 'yon eh," agad kong pasubali at nagpatuloy sa paglalakad. "‘Di ba kanina ka pa umalis?" nagtatakang tanong ko.
Mas tumindi ang pagtataka ko nang mapansing tila sinusundan niya ako patungo sa bahay ko ang lugar na tinatahak namin.
"Malapit lang ang bahay namin doon, huwag ka masyadong paranoid. Hindi ka maganda para hintayin at saka may practice match kami ngayon," inis na wika niya. Muntik ko ng ihampas sa pagmumukha niya ang hawak kong bayong mabuti na lang mabilis kong napigilan ang sarili.
Saka ko naalala na miyembro ng basketball team si Joseph. Ibig sabihin din niyon kasama niya si Ulrich sa practice match na tinutukoy dahil kabilang din ang huli sa nasabing team.
Bigla na lang kumabog ang puso ko. Iniisip ko pa lang na maaari kong makita si Ulrich, sabik na sabik na ang puso ko.
Dapat ay liliko na ako sa may kanang kalsada, pero sinadya kong sundan ang tinahak ni Joseph. Aminado ako na medyo excited dahil ito ang unang beses na maituturing na makikita ko sa Ulrich na nagpapractice.
Sinaway ko agad ang pobreng sarili ko ng mapansing kinikilig na ako samantalang wala pa naman akong Ulrich na nakikita.
Napaisip ako, kung magugustuhan o matutuwa siyang makita ako. Binagalan ko pa lalo ang mga lakad nang mapansing malapit na pala kami sa napakalaking basketball court.
Kitang-kita na rin ang kumpulan ng mga kababaihan sa bawat gilid ng court, ang lahat ay mga mukhang excited na rin para sa laro. Halos manliit ako sa sarili habang nakikita ang naggagandahang sapatos, damit at maging ang mga make-up ng ilang kababaihan.
Umiling-iling ako sa mga negatibong pumapasok sa isipan ko. Hindi naman ako pumunta rito para laitin ang sarili ko. Agad kong hinanap gamit ang panaka-nakang pagmamasid sa mga ilang varsity players.
Unti-unti akong nakaramdam ng pagkadismaya, wala kasi sa mga ito si Ulrich, samantalang nagwa-warm up na ang lahat samakatuwid magsisimula na ang laro. Napahawak ako ng mahigpit sa hawak ko ngayong bayong. Kahit sobrang ingay ng buong paligid malinaw ko namang naririnig ang paunti-unting pagbagal ng t***k ng puso ko.
"What are you doing here, Frexa?" Agad kong hinarap ang nagsalita sa bandang likuran ko.
Nanlaki ang mga matang, at hindi maiwasang sumilay ang munting ngiti sa labi ko nang makilala siya. "Frexa, ano'ng ginagawa mo rito?" pag-uulit na tanong niya.
"May pinuntahan lang ako sandali. Napadaan lang ako dito," palusot ko.
Tila na-revive ang puso ko at tumibok ng napakabilis. Mas naging gwapo si Ulrich sa mga mata ko, nakasuot lang siya ng puting jersy shirt.
Nanibago tuloy ako sa karaniwan niyang suot sa school at kapag pinupuntahan niya ako sa palengke. Kahit ano'ng suot niya hindi maikakailang pinagpala talaga siya na lahat, napakagwapong pa rin niyang pagmasdan sa suot na simpleng jersey at shorts.
"Mas maganda kung manonood ka ng practice match namin ngayon, para naman may support ako. Kasi iisipin kong galingan, ayoko naman mapahiya sa 'yo," nakangiting aya niya. Halos magtatalon ako sa tuwa, kung alam lang niya na taos puso akong manonood at susuporta sa kanya.
Malamang hindi naman ako ganoon ka-kill joy para palungkutin ang sarili ko.
"Baka nagsisimula na pumasok ka na sa loob," paalala ko nang marinig ang malakas na pito mula sa coach ng basketball team.
Sabay-sabay nagtilian ang mga babaeng tila mas excited pa sa mga player. Hindi ko tuloy narinig ang sinabi ni Ulrich lalo na't mukhang importante.
Kahit hindi ko narinig ang sinabi niya, nagawa ko pa ring tumango. Lumuwag pa lalo ang pagkakangiti niyang tila nagustuhan ang sagot ko. Nagsisisi tuloy akong hindi na nagawang magtanong kung anong sinabi niya dahil nagmamadaling nagtungo siya sa mga kasamahan.
Mabilis na umalis siya't nagtungo sa ibang kasamahan sa court. Hindi ko talagang maiwasan mapangiti habang nakamasid sa kanya, napakagwapo niya talaga kahit sa malayo. Nangingibabaw siya sa ibang mga kasamahan sa basketball team, bukod sa pare-pareho namang may itsura silang lahat, at matatangkad. Ibang-iba talaga si Ulrich, bukod sa ngiti pa lang niya ulam na sa umaga't gabi.
"‘Di ba apo `yon ni Mayor Alfredo?!" sigaw ng isang babae ilang dipa lang ang layo sa akin. Itinuro nito si Ulrich at dito na nakatuon ang atensyon ng mga naroon.
"Oo nga ‘no! Ang pagkakarinig ko nga galing siya ng America!" tili ng isang babaeng kakaiba ang suot na damit at anak mayaman, nakasuot kasi ito ng summer dress, sombrero at naka-sunglasses pa, mestiza rin ito.
"Ang pogi niya pala, Alice!" sigaw ng katabi nito. Nakasuot din ang huli ng mamahaling damit.
Hindi ko maiwasang pasadahan ng tingin ang suot ko, at maging ikumpara ito sa mga ibang babaeng narito. Naramdaman kong muli ang tila diskumiyado sa sarili ko, hindi ako bagay na tumabi sa kanila.
"Ang pagkakarinig ko nga babaero 'yang apo ni Mayor Alfredo e h!" anas ng nagngangalang Alice kanina.
"OMG! Really? Walang hilig sa serious relationship si grandson." Humagikgik pa ang kaibigan nito habang tila nagustuhan ang narinig.
"Pero base sa narinig ko mayro'n daw ‘no!" biglang sabat ng bagong babae marahil kasama rin ng mga ito.
Sabay-sabay na napatingin ang karamihan sa mga babae. Kahit maingay ang buong paligid malinaw ko pa ring narinig ang sinabi nito.
Naka-stripe ito t-shirt na may print ng malaking letra na SAVT, hula ko ay sa volleyball team ito kabilang. May katangkaran at may paka-morena ang kulay niya, ngunit angat na maganda siya. "Iñica! Akalain mo nga naman dito ka pa namin makikita ni Alice!" bati ng babaeng hindi ko pa alam ang pangalan.
"So, how have you been, Iñica?" tanong ni Alice. Hindi ko na inaksaya ang oras sa pakikinig sa usapan nila bagkus ibinaling ang nagsisimula nang practice match ng basketball team. Pumasok agad sa laro si Ulrich at sandaling binigyan ako ng matamis na ngiti.
Nakabibinging ingay ang nangibabaw sa pwesto ko. "Did you see it Alice! Ulrich smiled at me!" tili ng katabi kong babae. Hindi mapuknat ang pagkakangiti at kilig na kilig.
"Sira ka talaga Ciela!" Sandaling tumingin sa akin si Alice at luminga-linga sa bandang likod ko. "Parang dito siya kanina tumingin eh," aniya.
Umirap ang tinawag niyang Ciela at umarteng hindi nagustuhan ang sinabi ng kaibigan. "As if, he's interested to poor girls around." Umismid ito.
"Manahimik na kayo. Nandito tayo para manoond at suportahan ang team, tigilan n‘yo na ‘yang pakikisali sa ibang babae!" biglang saway ng nagngangalang Iñica. Nagseryoso ang naunang dalawa sa pinanonood na laro dahil ibinato na ang bola pataas.
Maging ako ay natuon ang buong atensyon sa court pero imbes na sa laro, kay Ulrich lang nakatuon ang atensyon ko. Hindi mapalis ang pagkakangiti kahit nagsisimula na ang laro.
Marahil dapat ay hindi ko pag-aksayahan ng oras na intindihin ang iba, amindado ako na makita ko lang si Ulrich ay masaya na ‘ko.
Napangiti na lang ako. Ipinagdadasal na kahit practice game lang ang laro sa court, sana manalo si Ulrich.
Ang lahat ng babae ay nag-chi-cheer sa mga bet nilang mga player. Sandaling ibinaba ko ang hawak na bayong. "Galingan mo Ulrich!" sigaw ko tulad ng ibang babae. Batid ko naman hindi na maririnig ang boses ko sa dami ng mga babaeng kasabay ko niyon. Ang mahalaga hindi ako tumayo at pinanood lang ang lahat.
Nagulat ako ng muling tumingin sa direksyon ko si Ulrich at hindi tulad kanina ay mukhang bakas ang gulat sa mukha niya. Nagtatakang nilingon ko ang likod ko, pero laking pagtataka ko sa akin nakatingin ang mga mata niya.
Tila umiinog lamang ang mundo sa aming dalawa. Maging ang puso ko ay nagwawala na sa kinalalagyan dahil sa mga titig ni Ulrich.
"Based from what I've heard, kaya walang tumatagal na relasyon sa kanya ay dahil sa isang babae." Narinig kong wika ni Iñica na ang buong akala ko ay walang hilig sa mga ganoong usapin, marahil ang tinutukoy niya ay ang tsismis tungkol sa nobya umano ni Ulrich.
"So, the gossips were real?" sabat ni Ciela. "Ano nga ulit name n'ong girl?" pagkaraa'y tanong nito.
"Naalala ko pa nga ay ilang beses silang naging headline noon sa mga entertainment news matapos gawing official ang relasyon nila."
"Nakita ko rin ‘yon."
Humalukipkip si Iñica. "Kaya takang-taka ako kung bakit kung magkandarapa ang mga babae kay Ulrich, akala mo naman ay single ang lalaki. Halata namang rebound lang silang lahat matapos ang hindi pagkakaunawaan ng lalaki kay Lian. Pero obviously, what can you expect. Nagkabalikan na sila."
"Mabuti na lang at binanggit mo," sabat ni Alice. "Baka ginawa rin akong rebound ni Ulrich, ang balita ko buong section nga niya sa school naging nobya na niya."
"That cassanova, if they just know na ginagamit lang sila ng lalaking ‘yan."
Umiling-iling na ang dalawa.
Tila pinagsakloban ako ng langit at lupa habang pilit iniuulit sa utak ko ang mga narinig.
Agad kong dinampot ang nilapag kong bayong. Batid kong bumagsak na ang mga luha ko. Nagmamadaling tumakbo ako kaya't hindi ko napansing may nabangga na ako.
"Hey! Bulag ka ba!" sigaw ni Iñica.
"S-sorry," hinging paumanhin ko agad at mabilis na nilisan ang lugar kahit hindi man lang nililingon ang nabunggo ko.
Lian Moore ang tunay na nobya ni Ulrich. Masyado akong umasa. Kaya't ito ang parusang natamo ko dahil nahulog ang loob ko kay Ulrich.
Bakit tila sampung rumaragasang malalaking truck ang sumalpok sa 'kin matapos ko 'yong marinig?
Ito na marahil ang katotohanang kailangan kong tanggapin, imposibleng totoo ang lahat ng ipinakita sa akin ni Ulrich. Isa lang naman akong hamak na tindera sa palengke, inaabuso ng sariling ina.
Ano ang maipagmamalaki ko gayong ako ang kabaligtaran nilang lahat?
Agad ko hinawi ang mga luhang tuloy-tuloy na bumabagsak sa akin mga mata.
***