Mabagal ang bawat hakbang ko sa hallway patungong classroom ko ngayong araw hindi alintana ang oras. Namumugto ang mga mata at kumukulo ang sikmura ko sa gutom, hindi na ako nakakain kanina bago umalis pero magkagayonman wala pa rin akong ganang kumain.
Sa pagkakataong ito, animo'y unti-unting dinudurog ang puso ko. Lahat na ata ng parte nito ay nadurog na.
Pinilit kong kumbinsihin ang sarili kong pangkaraniwan na 'yon kay Ulrich. Ngunit tila bingi't manhid ang puso ko. Sabi ko na nga ba't dapat hindi ko hinayaan ang puso kong umasa sa napakalaking ilusyong iinisip at nararamdaman ko.
"Frexa!" narinig kong tawag sa akin ninoman sa likod. Pero wala akong lakas kahit lingunin o tapunan ng tingin iyon.
Ilang beses pa ako nitong tinawag. Wala akong nagawa kung hindi huminto para abangan na lang ang paulit-ulit na tumatawag sa akin.
Tiningala ko ito. Bumungad ang nakabibighaning ngiti ni Sam. Mukha siyang mabango dahil bakas sa basa pa niyang buhok, nangingislap ang mga mata niya. Bakas na good mood si Sam. "Ikaw pala Samuel," usal ko.
Nagbago agad ang ekspresyon ng kanina lang ay masayang mukha niya. "Is there something wrong, Frexa?" nag-aalalang tanong niya, agad kumunot ang noo niya.
"Wala," hirap kong sagot. Itinago ko ang nanlalalim na mga mata ko.
"Kahit bago lang tayong magkakilala Frexaline. Kilalang-kilala na kita. Obviously you have problem," matigas na wika ni Sam. Pinilit niyang iniharap ako. "What the?" gulat na usal niya. Nakita niya ang namumugto at namamaga kong mga mata.
"Wala lang ‘to. Napuwing lang ako," pagsisinungaling ko.
Mahinang natawa siya na may pagkasarkastiko. "Ganyan ang napuwing sa panahon ngayon? Huwag mo nga akong pinagloloko Frexa!" singhal niya.
Hindi ako umimik.
"May problema ba? Tungkol ba 'to kay Ulrich?" galit niyang usig sa 'kin. Magkadikit na ang makapal niyang mga kilay sa iritasyon.
Agad akong umiling ng ilang beses. "Hindi, tungkol lang sa problema sa bahay." Isa pang kasinungalingang sinabi ko. Ibinaling sa iba ang mata ko.
Binitawan niya ang magkabilang balikat ko. "Are you sure?" mahinahon niya ng tanong sa akin.
Marahang tumango ako ngunit hindi siya tinitingnan.
Napansin kong tila may kinuha siya sa bulsa. "Oliver, could you please bring the car?" aniya sa kausap sa cell phone.
Nagsimula na akong maglakad. Pero nakaramdam ako ng pagka-guilty sa pagsisinungaling ko tungkol sa problema sa bahay. Hihingi na lang ako ng paumanhin sa Panginoon mamayang pag-uwi ko. Naiinis tuloy ako sa mabigat kong bag dahil nagpapadagdag pa ng pasakit na nararamdaman ko ngayon. Natigilan ako ng mapansing may humablot ng braso ko.
Tinatamad ‘kong nilingong muli si Sam. "Where do you think you're going?" nakangiting tanong niya. Ganyan ba dapat ang maging itsura niya kung nakikipagdalamhati rin siya sa akin? Saka ko napagtanto na hindi ko naman binanggit sa kanya ang tunay na dahilan.
"Papunta ng classroom," sagot ko.
Ngumiti lang siya. Ayoko talagang makakikita ng ibang masaya samantalang ako nama'y animo'y may malaking binubuhat na mabigat sa kalooban. "Mamasyal muna tayo," alok niya kalaunan.
Umiling ako. "Maraming kailangang tapusin ngayon kaya't hindi ako pwede," mabilis kong tanggi. Bakas na wala talaga ako sa mood sa tono pa lang ng pagsasalita ko.
Hindi naman iyon ang tunay na dahilan gusto ko munang kahit papaano ay ipahinga ang puso at isip ko.
"Hey cheer up! Don't worry may hapon pa naman mamaya so pwedeng i-rush 'yon at saka tutulungan kita!"
"Maababala pa kita."
"‘Wag mong isipin ‘yon. Kahit kailan hindi ka naging naabala sa 'kin."
Hanggang ngayon malapad pa rin ang pagkakangiti niya. Sa totoo lang, nakakahawa ang mga ngiti niya. Hindi ko namalayan na nawala sa isip ko panandalian si Ulrich.
Nakangusong inirapan ko siya. Nakalimutan kong si Samuel pala ang nasa harap ko ngayon.
"Hindi na. Ilaan mo na lang ang oras mo sa mas makabuluhan na bagay."
"Isa kang makabuluhang tao!" Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya na unang pagkakataon na nasaksihan ko sa kanya.
Napangiti na ako sa pagkakataong iyon. Kakaiba kasi ang ekspresyon ng mukha niya na unang beses kong makita sa kanya, nakatutuwang pagmasdan.
Lalong lumapad ang ngiti sa labi niya ng makita ang masayang reaksyon sa akin. "That's what I like to see from you," aniya.
Kumikinang ang kulay abo niyang mga mata na bumagay sa mukha niya. Animo'y isa siyang supernatural being sa kakaibang kulay ng mga mata niya at maging ang mapupula niyang labi, idagdag ang namumutla niyang balat.
Biglang hinawakan ng mainit niyang kamay ang kamay ko. Dumaloy sa katawan ko ang init na nagmumula roon. Tila naibsan kahit papaano ang lungkot na nadarama ko habang hawak niya ang kamay ko kaya hindi ako nagpumiglas o nagsalita.
"Sama ka sa 'kin sandali," aya niya.
"Saan?" nagtatakang tanong ko.
Napaatras ako ng bigla na lang niyang inilapit ang mukha sa akin. Halos magkadikit na ang mga ilong namin ng ilapit pa niyang mabuti ang mukha sa akin, agad kong iniwas ang mukha bago pa niya mapansin ang pagkailang ko sa ginawa niya.
"You have a beautiful pair of eyes," he said, smiling ear to ear.
Maya-maya ay umayos na siya ng tayo pero hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
Nagsimula na kaming maglakad. Walang tao niyon sa hallway at sa kahit saang dinaanan kaya binalot ng pagtataka ang buong isipan ko. Pati rin ang magkasiklop na kamay namin ni Sam ay nakidagdag na. Nang balingan ko siya, nagulat na lang akong makitang nakatingin siya sa akin.
"Is there something wrong?" he asked.
Gusto kong sagutin iyon ng malaking ‘yes’, baka kasi may makakita sa amin at isiping may relasyon kami ngayong magkahawak kami ng kamay papuntang parking lot ng eskwelahan.
Umiling ako. Baka kasi namamawis na ang kamay ko at mandiri siya, nakagat ko na lang ang ibabang labi. "Wala lang," wika ko.
***
"Saan tayo pupunta?" bungad na tanong ko nang makasakay sa isang puting Mercedez Benz na sa buong buhay ko siguro wala sa hinuha kong makasasakay ako sa ganitong kamahal na kotse.
Binuksan ni Samuel ang passenger's seat, lumulan naman ako roon.
Napakaganda ng loob, ang alam ko karaniwang sinasakyan ang ito ng mga mayayaman at kilalang mga tao. Sa katunayan, ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon makasakay ako sa ganito, matapos niya akong ayain na namamasyal kanina.
Pero wala pa akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Iba naman kasi ang pinapasyalan ng mayaman sa mahirap.
"Maglilibang lang tayo sandali," nakangiting sagot ni Sam. May iniabot siya sa 'king box. "Take this," aniya. Nagtatakang kinuha ko 'yon. "Punasan mo 'yang mukha mo Frexaline hindi ako sanay makita kang ganyan o sino mang babae."
Isa iyon na box ng tissue paper ang ibinigay niya sa akin. "Salamat, Sam..." hindi siya tinitingnan ay nagpasalamat ako.
"You lied..." Wala sa sariling napabaling ako sa kanya na nasa tabi ko lang. "I think you cried because of Ulrich and not with your family problems," anang niya habang inaabot ang isang trash can at inilagay iyon sa tapat ko.
"Sorry..." hinging paumanhin ko.
"Ayos lang ‘yon, ‘wag kang mag-alala." Matamang tiningnan niya ako. "Hindi ka naman perpektong tao Frexa."
Nakagagaan ng pakiramdam kahit ang simpleng ngiting ipinapakita niya sa akin.
"Salamat nga pala." Bumubuti na ang pakiramdam ko simula kanina nang umalis kami ng school. At saka tila nakatulong din ito para makalimutan ang isang tao sa buhay ko.
"Saan mo nga pala gustong mamasyal?" pagkaraa'y nakangiti niyang tanong sa akin.
"Hindi ko alam. Baka kapag sa bahay pagalitan ako nina Nanay at Tatay," sagot ko na may bahid ng biro.
Narinig kong natawa naman si Sam sa tabi ko. "Hindi ko naman sinabing iuuwi kita sa inyo, baka may gusto kang puntahan?"
Bahagyang nahiya ako matapos din kasing makitang natawa maging ang driver ni Sam na tahimik na nagmamaneho. "Ngayon lang ho ata ako nakapagsakay ng girlfriend n'yo Sir Samuel," biglang wika nito.
Nanlaki ang mga mata kong napatingin dito. "Hindi po!" agad kong tanggi.
Narinig kong tumawa ng malakas si Sam. "No, Oliver," segunda ni Sam.
"Ganoon ho ba. First time lang ho kasi nagsakay ng babae si Sir Samuel sa sasakyan maliban sa kanyang pamilya."
Tumatawa na si Samuel sa tabi ko. "Please, Oliver. Baka pag-isipan ako ng masama ni Frexa sa mga sinasabi mo. She's only my friend."
Hindi ko maiwasang matawa sa pagiging conservative ni Sam sa harapan ko, naninibago tuloy ako.
"Okay po sir," nakangiting sagot ni Oliver na kita sa rear mirror.
"Sa Serenity tayo, Oliver," maya-maya ay utos ni Sam.
Nakangiti ako ng bumaling sa tabi ko upang tingnan ang labas ng bintana. Malamig ang airconditioning ng sasakyan kaya napakalma nito ang puso ko.
***