Kabanata 16

1485 Words
Inilibot ko ang mga mata sa paligid habang hinahanap si Sam kung saan siya marahil nagpunta. Ngunit bigo ako. Lumapit ako sa isang babae na receptionist. "Hi, I'm Frexa. May iniwan po ba ang nagngangalang Samuel Mandragon?" magalang kong tanong sa babae. Ngumiti ito ng kay tamis sa akin. "Pinapasabi po ni Mr. Mandragon na hintayin n'yo lang po siya sa may lobby, may pinuntahan lang po siya sandali," magalang na tugon nito. Tumango ako. "Salamat po." Agad akong umupo sa bakanteng mga sofa sa tinutukoy ng babae. Tulad kanina pagkapasok ko pa lang dito tila nasa ibang mundo ako, napakalawak kasi ng lugar na 'to. May isang malaking fountain malapit sa kinauupuan ko. Nakakapang-relax pagmasdan ang estatwa ng dalawang anghel sa itaas niyon. Ngunit sa bandang likod na bahagi nito ay ang malaking flat screen monitor na nagpapalabas ng ilang fashion show, kung saan ipinapakita ang ilan sa mga kilalang modelo at ilan sa mga magagandang styles ng buhok. Ngayon ko lang napansin maging ang mga iba't ibang klaseng designs ng mga damit ay ipini-produce rin ng Serenity, my ilang clothing designs na may pangalan ng Serenity. Hindi lang pala kilala bilang salon, parlor at spa, may boutiques rin pala sa loob ng malaking gusali. Lumipas ang ilang mga minuto ngunit hindi pa rin bumabalik si Sam. Medyo natagalan kanina kaya naman magta-tanghali na. Naramdaman kong kumakalam na rin ang sikmura ko sa gutom. Balak ko sanang bumalik na lang sa kotse sa labas para roon na lang hintayin si Sam. Pero may natanaw na akong bulto ng isang lalaki patungo sa direksyon ko. Sa dalawang kamay niya may hawak siyang paper bag kaya't agad ko siyang nilapitan at tinulungan. "Bakit hindi ka humingi ng assistance sa pagbubuhat?" pagtataka ko ng kunin ko sa kanya ang isa sa mga iyon. "I'm a man. As if I'll ask the saleslady to carry this for me," natatawang sabi niya. Napangiti rin ako. "Ganoon ba." Hindi naman pala ganoon kabigat pala ang dala niya. "Ang dami mong pinamili," puna ko habang nakasunod sa kanya. "Don't worry these are all yours Frexaline." Napamaang ako. "Ha?" "Binilhan kita ng mga damit na pwede mong magamit," tumatawang sabi niya. Tiningnan ko ang laman ng isang paper bag na hawak ko. Totoo nga, mga damit pambabae ang laman n'on "Wala naman akong sinabing ibili mo ako!" bulalas ko. Batid kong mga signatured clothes at mamahalin lahat iyon. "These are all my gifts for your upcoming birthday." Nagulat naman ako. Lahat ng tao sa pamilya ko walang nakakaalalang birthday ko na sa susunod na linggo. "P-paano mo nalaman?" nauutal kong tanong. Humalakhak lang siya at pumasok sa isang restaurant malapit sa entrance. "I just remembered earlier and I have this very good memory," nakangiting aniya. Naupo kami sa inuwestra ng waiter na pwesto. "Really," nakangiti kong wika. "Try me," hamon niya at nakahalukipkip siyang kumindat sa akin. May pagdadalawang isip na tiningnan ko lang siya. "Naniniwala na ako, hindi mo na kailangan pang patunayan." "No, you have to test me. What if I'm lying?" Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. At saka wala rin namang mangyayari kung may bagay siya na patunayan sa akin. Isa lang iyon na walang kabuluhan na bagay kung tutuusin. Ang patuloy na gumugulo sa isip ko ngayon ay kung nasaan kami. Medyo nagdududa ako ngayon kung sakaling kumain kami sa mamahaling restaurant ng lugar. Wala kasi akong dalang pera para maghati kami sa babayaran. "You will never lie to me," biglang wika ko. Nagtaka ako nang sunod-sunod na umiling siya. Bumakas sa mga labi ang isang misteryosong ngiti nang kunin niya ang menu na ibinigay ng waiter. "You're right, I will never lie." Sinimulan niyang buklatin iyon. "By the way, what do you want to eat?" nakangiting tanong niya. Luminga-linga ako sa paligid at saka dahan-dahan na lumapit sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka, nagulat na lang akong makitang ginaya niya rin ang ginawa ko. "Sa totoo lang, wala akong dalang extra money ngayon. Mangungutang lang muna sana ako sa 'yo," bulong ko sa kanya. Sa isang iglap hinarap niya ako na bakas ang matinding gulat sa mukha. Umangat ang magkabilang sulok ng labi niya na lubhang ikinagulat ko. Kapwa naupo kami sa mga upuan. Nakangiti pa rin siya nang ibalik niya ang menu sa waiter at saka ito umalis. Iiling-iling siya ng ipagsiklop ang mga kamay. "You never fail to amuse me Frexa," aniya nang hindi ako tinitingnan. Maya-maya lang ay umangat ang mga mata niya na ngayo'y matamang nakatitig sa akin. "Inaya kita rito, syempre sagot ko ang lahat ng gagastusin natin. Kaya hindi mo kailangang mag-alala sa babayaran." Muling kumunot ang noo ko. "Sigurado ka ba? Masyado na kasing marami ang ginagastos mo para sa 'kin at saka hindi biro ang kumita ng pera," nag-aalalang sabi ko. "I know, but you don't have to worry about it. Kaya nga kitang bilhan ng bahay ngayon kung gugustuhin mo." Nangingislap ang mga mata niyang hindi inaalis ang mga titig sa akin. Humaba ang nguso ko sa naging huling biro niya. "Bakit, nanalo ka ba sa lotto?" Rinig na rinig ang malakas niyang tawa sa buong lugar kaya napukaw niyon ang atensyon ng ibang naroon. "You know what, you can effortlessly make me laugh." Kiming ngumiti ako. "Ganoon ba." Sa katunayan, hindi naman talaga ako nagbibiro nagbabakasakali lang akong baka nanalo talaga siya ng lotto lalo na ng isa-isa ng inilagay sa mesa ang mga in-order niyang napakarami. Ayoko ng itanong kung magkano ang lahat ng iyon baka bigla na lang akong mawalan ng malay sa halaga ng mga iyon. Pinapanood ko lang ang bawat kilos ni Samuel ng iayos niya sa harap ko ang lahat ng gagamitin ko, nagsabi ako na kaya ko na iyon gawin lalo't hindi naman ako baldado. Pero nagpumilit siya na gusto niyang gawin ang mga bagay na iyon. Napuno naman ang puso ko ng kagalakan sa ginawa niya dahil pakiramdam ko ay napakahalaga kong tao. "Let's eat," aniya habang ngiting-ngiting itinuro ang mga pagkain. "Thank you," pasasalamat ko. Mabilis din kaming natapos at halos hindi na ako makahinga sa kabusugan. Marami pa ang natirang pagkain kaya nag-aalala akong baka ipatapon lang iyon. Maya-maya tumawag si Samuel ng waiter at ipinabalot ang mga iyon, kahit papaano nabawasan ang pag-aalala sa puso ko. Natuwa naman ako ng sabihin niyang iuwi ko na lang iyon para hindi masayang. Palabas na kami ng naturang lugar. "Hindi ko alam kung paano ka pasalamatan sa lahat Sam lalo na kanina nagtaas ako ng boses sa 'yo, pero nagawa mo pa ring ngumiti sa akin na para bang walang nangyari." "It is also rude on my part, masyado kitang pinangungunahan sa mga desisyon. I'm sorry," aniya. Binalingan ko siya. "Pero, tinutulungan mo lang akong makalimot." Nagulat akong binalingan na niya rin ako bakas ang lungkot sa mukha. "I'm having this second thought already." Napakunot-noo ako sa narinig sa kanya at saka agad ding napag-isip na tama naman siya. "Okay lang, pero ‘wag mo agad ako biglain sa babayaran ko. Medyo matumal pa kasi sa bayan ngayon. ‘Wag kang mag-alala makakapagbayad din ako ng within a year, promise!" Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya sa sinabi ko. Kahit papaano ay natanggalan ako ng tinik sa dibdib, mukhang hindi naman pala niya ako bibiglain na magbayad. "I would like to be your partner in the upcoming ball." Napalagok ako, seryoso ang anyo ng mukha niya. Hindi ko nagawang tugunin ang tinuran niya, kasalukuyan kasing gulong-gulo ang isip ko kung bakit niya biglang sinabi iyon samantalang nandoon din siya ng alukin din ako ni Ulrich. *** Buong biyahe hindi ko nagawang magsalita at makipag-usap kay Samuel. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin at ngayon nga ay nakigulo pa siya sa isipan ko. Naglakad na ako ngayon patungo sa classroom. Iniwan ko muna ang mga pinamili ni Sam sa 'kin sa kotse dahil wala akong alam sa paglalagyan ng mga 'yon. Natigilan ako sa mismong school garden, may dalawang bulto ng tao sa hindi kalayuan. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad kung hindi ko lang nakilala kung sino ang isa sa mga iyon si... Ulrich? Napatakip ako sa sariling bibig at agad napatalikod. Agad bumungad sa akin si Sam at basta na lang niya akong niyakap. Sa gulat ay hindi ko na nagawa pang mag-react sa ginawa niya "Mahal ko si Ulrich," mahinang usal ko sa pagitan ng paghikbi kay Sam. "I know," anang niya habang inaalo ako. Batid kong kasalukuyang naghahalikan sina Ulrich at Lian. Pero ayokong isipin muna 'yon, gusto kong kalimutan sandali ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa puso. Ano ba ang mga pinakita ni Ulrich nitong mga nagdaang araw? Pinaglalaruan niya lang ba ang puso ko? Mali ba ang desisyon ko na hayaan siyang pumasok sa puso ko? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD