Third Person's POV Pagkalabas ni Phoebe sa Cafeteria ay lumapit naman agad nila Alixson ,Gwen, Shaun, Liam, Keurt at Elisa si Xandrick na nakatayo pa rin sa pwesto nya habang nakatingin parin sa pinto ng cafeteria kung saan lumabas si Phoebe. Iniisip nya kung sino ba talaga ang babaeng yun. Kung bakit sya sa academy kahit na wala syang kapangyarihan. Nananatiling misteryoso ang dalaga para sa kanya. Ang babaeng unang nakagalos sa kanya. Noong panahon na nagkalaban sila alam nya na may kakaiba sa kanya. May malakas syang presensya na hindi parehas sa isang normal na mawerian. Sya ang kauna unahang babaeng nakapagpa-interes sa kanya. Sa buong buhay nya ay sya na ang pinakamalakas sa lahat ng Estudyante sa academy. Naging boring ang buhay nya dahil walang sino man ang nakakatalo sa k

