Phoebe's POV Pagkalabas ko ng room ay bumalik na ako sa dorm ko. Sumakay na ako ng elevator at ng magsarado ito ay agad na nagteleport ako sa dorm ko . Wala namang makakakita sa akin dahil magisa lang naman ako rito sa loob ng elevator. Ng makateleport na ako ay ahad akong kumuha ng bagong uniform at nagpalit. Naghilum na rin ang sugat ko sa tagiliran. Kaya hindi na ako pumunta sa clinic nito. After kong magpalit ay lumabas na ako ng dorm ko at dumiretso na ng cafeteria. Mag a alas onse na rin kasi. Ganun katagal silang naglaban doon. Hindi man lang kami sinipot ng teacher namin. Habang naglalakad ako papuntang cafeteria ay gumigilid naman ang ibang estudyante sa dinaraanan ko. Napakunot naman ako ng noo. Ano bang problema nila? Pero hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso na sa

