Nanatili pa ring nakatingin sina Hermes sa itaas at hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Mga nagliliparang mga dragon ang nakikita nila sa itaas at iba-iba ang kulay. Nakaramdam nang takot ang mga kasama nila Hermes, maging siya. Ngayon lang siya nakakita ng dragon sa tanang buhay niya at kung makikita niya ito sa dating buhay niya ay mas lalo siyang mababahala. "Mga dragon nga ba ang mga iyan?" natatakot na sabi ni Rico. Nanginginig siya sa kanyang nakikita at lalong nakaramdam nang takot. Nang marinig nila ang ingay ng mga ito, na lalong nagpatindig nang kanilang mga balahibo. "A-Ang dami nila!" "S-Saan papunta ang mga iyan?" "Nakakatakot silang tingnan!" Halos naririnig ni Hermes ang mga nakakatakot na komento ng kanyang mga kasama. Ang takot na nararamdaman niya ay tila ba un

