Magkaharap ngayon ang dalawang dragon na sina Hermes at Agathon. Parehong mariin na nakatingin sa isa't isa. Pareho nilang iniangat ang kanilang mga pakpak at agad na sumugod. Nagkasanggaan si at halos magliparan ang mga gamit na nasa loob ng bulwagan, kung nasaan sila. Sabay silang lumipad palabas sa palasyo at parehong inaatake ang isa't isa. Sa tuwing bubuga ng itim na kapangyarihan si Agathon ay sinasabayan naman ito ni Hermes. Pareho lamang ang lakas nilang dalawa. Halos ang ilan sa nakakakita ay napapamangha sa nakikitang labanan ng dalawa. Maging sina Amera ay nakatingin sa paglalaban ng dalawa. Sa tuwing magkakasanggaan ang dalawa ay mas lumalakas ang impact patungo sa mga nasa ibaba nila. Kaya naman napapaiwas din ang ilan, upang hindi matamaan ng mga bagay na lumilipad dahil sa p
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


