Masyadong excited ng araw na yun si Fems dahil 3rd anniversary nila ng boyfriend niyang si Jonathan may balak isurprise ito ngayon kasi ang alam nito ay may client siya sa massage pero ang totoo ay wala naman talaga.
Papunta na sya sa condo ni Jonatahan dala ang gift nyang wristwatch na talagang pinag ipunan nya, kasi sa tagal nila mag-on ngayon lang sya magbibigay malaking halagang gift.
Pipihitin na sana nya ang door knob ng pintuan ng condo nito pero nakita nyang nakaawang ito at may narinig sya na nagtatalo sa loob, kaya dahan dahan syang sumilip sa pinto at nakita nya si Camille Yap na nakaluhod sa harap ng boyfriend.
"Paano ako nakakasiguradong ako ang ama nyang dinadala mo Camille hah??" Yun ang narinig kong sabi ni Jonathan na animo'y nagtitimpi ng galit.
"Alam mong ikaw ang unang lalaki sa buhay ko Jonathan paano mo nasasabing ibang lalaki ang ama ng dinadala ko!!?" dinig na dinig kong sabi ni Camille na halata sa boses na umiiyak ito.
"Bakit porke ako ang ina hindi pwedeng tumabi sa iba? Isa pa alam kong may boyfriend ka nagyon tapos ako ang paaako mo diyan sa dinadala mo! Bakit? porke di ka pinandigan ng boyfriend mo ako ang ituturo mong ama tsk!.
Nanlaki ang mata nya sa narinig at natutop ang bibig upang mapigilan ang sariling makalikha ng ingay at ang tuhod ko'y nanlalata na dahil sa kaba. Humawak ako ng mahigpit sa door konb at doon kumuha ng lakas.
Sa puntong iyon di nya alam kong ano nararamdaman naawa sya o magagalit sa narinig. Gustong gusto ko ng pumasok pero pinigilan ko ang sarili ko upang malaman pa ang iba nilang pag uusapan.
Nakita kong nakaawang ang bibig ni Camille na tila nagulat sa sinabi ni Jonathan. Tumayo na ito at titig na titig sa mata ng lalaki.
" Oo Jonathan may boyfriend ako,kaya nga ng malaman nyang buntis ako ay nakipaghiwalay sya kasi alam nyang walang nangyayari sa amin tapos magbubuntis ako.? kung di ka pa rin naniniwala,ready akong magpa- paternity test. Mapatunayan ko lang sayo na ikaw ang ama at wala ng iba." seryosong sabi nya na di man lang tinatanggal ang titig sa mata ni Jonathan.
" Okay ,fine magpapa-paternity test ako pero pag napatunayan kong di ako ang ama ng batang yan ay tatantanan mo na ak---"
"Eh paano kung ikaw ang ama? pakakasalan mo ako no matter what, at paninindigan mo ang pagiging ama mo sa anak ko!!" putol nito sa sasabihin pa ni Jonathan.
Hanggang don lang ang pinakinggan nya at di na nya alam kung ano pa ang nangyari sa kanila, dahil di nya kayang tagalan ang pakikinig sa mga panluluko nila.
Mabilis siyanng umalis sa condong yun at pumunta sa isang bar at doon umiinum sya nang uminum para mabawasan ang sama ng loob na dinadala nya.
Di sya sanay magbar mag-isa karaniwan umiinum sya kasama ang mga kaibigan.
Di man nagtagal ay nararamdaman na nyang tinatamaan na sya. May lumapit pa sa kanyang lalaki umupo ito sa tabi ng inuupuan nya.
"Hi miss may kasama ka bang iba?" ngumiti ito na nakapang aakit.Pero walang effect yun sa kanya kahit gwapo pa ito,dahil heartbroken sya.
"Nakita mo bang may kasama ako? Di ba wala!" galit nyang sabi dito, mukhang nagulat pa ang lalaki sa pagsusungit nya at pagtaas ng boses.
"ohhh, soryy masyado ka namang high bloos miss." sabi nito na nakataas ang kamay pero di pa rin nawawala ang ngiti.
"Pwede ba gusto kong mapag-isa please." sabi nya sa mababang boses,nakiusap nalang sya kasi mukhang di naman nya nasisindak ang lalaking to.
"Okay if that's what you want, if you need a man to talk to,andon lang ako sa table don sa gilid kasama ang friends ko" sabay turo nito sa pwesto ng mga kaibigan nito.
Tumango nalang sya at binigyan ito ng pekeng ngiti. Umalis din naman ang lalaki at di na nangulit pa.
Napaparami na ang inum nya at lasing na lasing na sya,tatayo na sya nang mabiglang para syang nabuwal at nahilo. Alam nyang babagsak sya kaya napapikit nalang sya pero, di nya naramdaman ang sahig sa likod nya bagkus isang kamay ang ang naramdaman nyang sumalo sa kanya. Pilit nyang iminulat ang mata at nakita nya ang lalaki pero di nya makilala kasi blurd na ang paningin nya at pakiramdam nya umiikot na ang buong paligid..Pero narinig pa nya ang lalaking tinatawag ang pangalan nya, bago pa sya mawalan ng malay.
-----KINABUKASAN----
Nagising si Fems na masakit ang kanyang ulo, mabigat din ang pakiramdam nya. Iminulat nya ang kanyang mata, di nya alam kung nasaan sya, pilit nyang inaalala ang lahat pero lalo lang sumasaki ang ulo nya.
Tatayo na sya ng may maramdaman syang kirot sa pagitan ng kanyang hita.Bigla ang bugso ng kaba sa kanyang dibdib nang makita ang sariling wala man lang saplot sa katawan at tanging kumot lang ang tumataklob dto.
Sa pagtayo nya ay nakita nya ang kanyang mga damit na nasa sahig at nakita nya ang mantya sa kamang hinihigaan nya. Napaupo sya kama at nasapo ang kanyang ulo sa pag iisip kung sino ang lalaking nakasiping nya kagabi.
Dali dali nyang pinulot nya isa isa ang mga damit at dumretso sa banyo upang maligo. Narealize nyang nasa hotel sya. Paglabas nya ng CR don nya lang napansin ang isang sobre sa side table ng kamang kanyang hinigaan kinuha nya ito at nakita nya ang sulat na nakalagay sa labas ng sobre.
I really, really do sorry for what i've done to you. I hope you forgive me.
J8
Pagbukas nya ng sobre nakita nya ang maraming tig-iisang libo sa loob nun. Para syang nanliit sa sarili nya sa isiping binayadanan sya ng unang lalaking nakasiping nya. Nagdadalawang isip kung kukunin o iiwan nalang nya ba sa hotel. Pero naisip nyang kelangan nya ng pera lalo na at mahina ang work nya ngayon.