5 years ago
Fems pov.
Nasa byahe ngayon si Fems papuntang Manila, don sya makikipagsapalaran upang matupad ang pangarap na magkaroon ng sariling bahay at lupa sa probinsya. Habang nasa byahe ay di mawala sa isip nya ang mga masamang karanasan. Nang mamatay ang kanyang tiyahin sa atake sa puso ay naging kalbaryo na pang araw araw nyang buhay sa kamay ng anak ng kanyang tiyahin na walang ibang ginawa kundi ang alilain sya, kaya nang sabihin ng kaibigan nyang kailangan ng amo nya nh isa pang masahista hindi na sya nagdalawang isip at tinanggap na agad ang alok nito.
Ulila na sya sa mga magulang namatay sila dahil sa kasidente, 2nd year high school sya nun. Kaya napunta sya sa poder na ng tiyahin nyang masahista, ito lang kasi ang natatanging kamag ng tatay nya. ang nanay naman nya wala din kamag anak.
Okay naman sya sa tiyahin nya kasi mahal na mahal sya nito, pero di maganda ang pakikitungo ng mga anak nito sa kanya, na di man nya alam kong anong dahilan. Kaya nang mamatay ang tiyahin nya ay lalong lumabas ang sama ng ugali ng mga anak nito.
Dahil sa malalim na pag iisip ay di nya namalayang nasa terminal na pala siya ng bus at nagsisibabaan na ang mga pasahero, kaya bumaba na din sya. Agad nyang kinuha ang de-keypad na cellphone at tinawagan ang kaibigang si Lyla.
"hello,Lyla asan ka na? andito na kasi ako sa terminal ng bus eh" kinakabahan sya kasi napakarami pala talaga ng tao sa Manila di mahulugang karayom.
"Nandito pa ako sa jeep pero malapit na ako, wag aalis diyan tyaka hawakan mong maige ang cellphone at ang bag mo hah? "
"okay salamat, antayin nalang kita dito sa may katabi ng bus na binabaan ko."
"Sige." pinutol na nya ang tawag at nagpalinga-linga sa paligid. Di sya makapaniwala sa dami ng tao aligaga sa mga gawain, naparami ding sasakyan at hindi maganda ang simoy ng hangin dito sa Manila palibhasa eh walang masyadong puno.Napabuntong hininga nalamang sya sa pag iisip.
"Besh napakalalim naman ata nun" sabi nito sabay tapik sa kanyang balikat kaya muntik na syang mapatalon dahil sa gulat. Paglingon ko nakita ko na si Lyla na nakangiti sa akin.
"Bwisit ka Lyla kala kung sino muntik na kitang hampasin nitong dala kong bag" sabi nya pero natatawa na din kaya nagtawanan muna sila bago nag yakapan.
"Besh namiss kita sobra."sabi nito habang magkayakap pa din sila.
"Miss na miss na din kita besh, akala ko talaga di mo na ako kukunin don sa probinsya alam mo naman ang babait ng mga kasama ko don." natatawang naiiyak na ako.
"hahahah matitiis ba naman kita, wag ka mag alala besh ngayon andito kana ako ng bahala sayo." tumikal na ito sa pagkakayakap at giniya sya papunta sa may kalsada at pumapara ng jeep. " magkasama tayo sa apartment besh kasi umalis na yun dati ko kasama sa spa. Wag ka mag alala besh sa bayad sa apartment sagot yun ng spa pati tubig at kuryente. Kaya hayahay ang life mo don" derederetso nitong sabi habang nakasakay kami sa pampasaherong jeep.
"Hulog ka talaga ng langit sa akin besh. Sana ito na ang start para matupad ko ang mga pangarap ko."
Hinawakan nito ang kanyang kamay at nginitian sya. " Sikapin natin besh na maabot ang pangarap natin dito." tango lang ang naisagot nya at isang ngiti.
Nang makarating kami sa apartment na tutuluyan namin agad akong pinagpahinga ni Lyla dahil bukas itritrain na daw nya ako sa spa. Madami pa daw akong dapat malaman sa spa kasi hindi lang massage ang ginagawa don kasi meron silang haircut, menicure, pedicure, at madami pang iba.
-----KINABUKASAN----
Nasa spa sya at tinitrain ng kaibigan nya sa mga dapat nyang gawin. Alam naman ng amo nila na massage ang alam nyang gawin, pero okay lang daw yun kasi may mga kasamahan naman daw syang marunong sa lahat unti unti nalang daw nyang pag-aralan yung iba.
Mag 6pm na di man ako napagod na masyado kasi dalawa palang ang naging client nya at sa awa ng Diyos nasatisfied naman sila at parehas pang nagbigay ng tip na tig 100 kaya tuwang tuwa ako.
Habang nakikipagkwentuhan sya sa mga kasama nya ay may pumasok na isang lalaking matangkad, maputi, at gwapo nakasuot lang ito ng maong shorts at nakawhite v-neck shirt napakasimple pero bagay na bagay sa kanya. Para akong kinikilig kahit nakikita ko palang syang nakangiti. Pumasok ito dumeretso sa boss namin, mukhang regular na sya dito.
"Mr. De Guzman good evening po. Sorry po pala wala na si Kath dito nag asawa na. Okay lang po ba na si Fems nalang ang magmassage sayo. Sya po ang kapalit ni Kath eh" tinuro sya ng boss nya kaya naman bigla syang kinabahan, parang may mga paru-paru sa tyan nya ng tingnan sya ng lalaki.Tumayo naman ako at nagbigay galang kahit naiilang sa tingin ng lalaking tinatawag nilang Mr. De Guzman.
"Good evening po sir i'm Fems Santiago po at your service" nakangiti nyang sabi sabay lahad ng kamay. Tiningnan na muna nito ang kamay nya at nang abutin nya ito parang andaming bultaheng kuryente ang dumaloy sa katawan nya kaya agad din nyang binawi ang kamay nya.
"KZ are you sure she gonna satisfy me? she's so thin, baka himasin lang ako niyan hindi ako magbabayad." sabay tingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa, sinikap nyang hindi tumaas ang kilay nya kasi baka matanggal sya agad sa trabaho. Kahit ang sama ng dating sa kanya ng sinabi nito na kalamo'y minamaliit ang kakayahan nya porke ba mukha syang payat. Naku mamaya papa sigawin kita sa sakit.
Tinawag naman sya ng boss nya, may ibinulong ito sa kanya. " kaya mo ba yang si sir, hard yan tyaka 2 hours lagi yan, regular client yan dito kaya lang ayaw na nya sa ibang masahista dito kasi magagaan daw ang kamay eh ang favorite nyang masahista eh nag asawa na. Ano keri mo ba?" mahabang litanya nito. Umaayos na sya ng tayo saka tumango at nginitian ang boss na may kumpyansa sa sarili.
"Mr. de Guzman kaya daw po nya." nginitian nito ang lalaki at may binulong ulit sa kanya. "Wag mo ko papahiya ahh." ngumiti lang sya at tumango na may kumpyansa sa sarili.
"Kung ganun miss Fems let's go" umalis na ito at dumeretso sa nakaparada nitong sasakyan, naiwan syang nakakunot ang noo at nagtataka kung bakit pumunta ito sa sasakyan embis na pumasok sa loob ng kwarto kung saan sila nagmamasahe.
"Boss KZ san po kami pupunta?" nakakunot nuong baling nya sa boss nya.
"Si sir Jake ay home service massage talaga yan, kaya lang sinabi ko na nagresign na yung dating nagmamassage sa kanya, kaya sya pumunta dito para personal na pumili ng magmamasahe sa kanya. Wag ka mag alala kay sir mabait yun tyaka malakas magbigay ng tip basta masatisfied mo sya." nakangiti nitong pahayag sa kanya ng marinig nya ang malakibg tip parang naexcite sya, kasi kelangan nya yun para makapag ipon sya. Bukod kasi sa sweldong ibibigay ni miss Fems ay ang tip ng client ay sa kanila mapupunta. "oh bilisan mo na at nag aantay na si sir Jake baka magbago pa ang isip nun." sa sinbing yun ng boss nya agad syang pumunta sa labas dala ang gamit nya sa pagmamassage.
Habang nasa sasakyan sila ay wala man lang nagtangkang magsalita sa kanika kaya binaling nalang nya ang atensyon sa daan. Di nya maiwasang mamangha ng pumasok ang sasakyan sa isang subdivision kung saan napakaraming magagandang bahay ang nakikita nya. Di rin naman nagtagal ay may pinasukan silang gate at sa loob nun ay makikita ang isang bahay ba ito o mansyon napakaganda, nakakalula ganda kahit sa labas palang ano pa kung nasa loob.
"Miss Fems tutunganga ka lang ba dyan? tsk." nakakunot noo nitong sabi. Agad naman syang bumababa at sumunod sa lalaking pinaglihi ata sa sama ng loob, laging kunot ang noo.
"Miss Fems dito ka lang muna sa sala okay? maliligo lang ako, tatawagin nalang kita pag imamassage mo na ako okay?" sabi nito at dumeretso na sa hagdan naiwan syang nakatulala. Naglibot libot sya sa sala at may nakita syang picture, family picture ito may batang lalaking nasa edad na pito habang kalong ang isang baby na lalaki mukhang nasa isang taon palang ang baby at katabi nito ang isang batang babaeng nasa edad tatlo katabi nito ang sapalagay nya'y ina nito at ang ama naman katabi ng nasabing batang lalaki na kapwa masaya picture na yun.
Nang makita ang picture na yun, di nya maiwasang mainggit sapagkat sya'y wala man lang kapatid tapos wala na din syang magulang ang natitira nyang kamag anak inaalila sya. Sa isiping iyon ay di nya maiwasan humugot ng isang malalim na buntong hininga.
"Napakalalim naman nun miss, may problema ba sa family picture namin?" Bigla syang napatuwid ng tayo ng may magsalita sa likod nya. Nang makita nya kung sino iyon ay ganun nalang ang pagkatulala nya ng makita nya kung gaano kaganda ang nasa harap nya para itong manika, maputi, matangos ang ilong, mapupulang labi at tama lang ang tangkad. Nakangiti ito sa kanya, unti unting kumunot ang noo at biglang kinaway ang kamay .alapit sa mukha nya. Bigla naman syang napailing upang bumalik sa dating wisyo ang utak nya.
"Hmm, sorry po mam may naalala lang po ako" tumungo sya pagkasabi nun kasi kapagtumitingin sya sa babae ay nagiging titig dahil sa paghanga.
"Are you the new massage therapist na kinuha ni kuya?"
"Ahmm opo mam , I'm Fems Santiago po from KZ's Spa" sabay lahad ng kanyang kamay . Agad naman nitong tinanggap iyon na may ngiti.
"Nice to meet you Fems, i'm Janna de Guzman. i am the little girl on that picture." sabay turo sa picture na kanina lang ay tinitingnan nya.
"Napaka-cute mo po dyan mam Janna." sabi nya na walang halong bola.
"Diyan cute ako ngayon mas cute na" sabay lagay ng dalawang palad sa may baba nito at nagpacute.
" Hindi naman po kayo cute eh " nakangiti nyang sabi at ito naman ay tila kumunot ang noo sa sinabi nya. " Kasi mam Janna maganda kana po actually napakaganda po." dahil don ngumiti ito na lalong nagpaganda dito.
"You know what, i like your sense of humor hahahah. Gusto kitang maging friend ang gaan ng pakiramdam ko sayo."
"Isang honor ang maging kaibigan niyo miss Janna."
"You're my friend now so erase the 'mam' okay call me Janna nalang." tango lang naisagot nya dito. " After mo pala imassage si kuya mapamassage na din ako. Gusto la kitang makakwentuhan. okay lang ba yun sayo?"
"Ahm nakakahiya man po pero okay na okay po. Salamat ma- ay Janna lang pala." nagtawana sila sa pagkakamali nya.
"Tapos na ba kayo magchikahan pwede mo na ba ako masahihin miss Fems sayang ang oras." Sabay naman silang napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita nya si sir Jake na nakabath-rob lang. Sa tanawing iyon di nya alam kung bakit parang nag iinit ang pakiramdam nya at tila ilang beses na syang lumulumod ng laway, para rin syang nauuhaw. " Miss Fems tapos kana bang i-eye r**e ako?tsk" sabay talikod nito sa kanya
"Fems okay ka lang ba? Wag mo masyado pansinin si kuya ganyan talaga yan minsan may tupak. Sundan mo na at baka lalong uminit ang ulo. hahahah" sabi nitong naramdaman ata ang nerbyos nya.