Pagpasok nya sa kwartong tinuro ni Janna. Medyo malaki ang silid na iyon mukhang nilaan talaga sa pagrerelax kasi may dalawang bed na para sa pagmamassage may mga nakasinding candle at may malamlam na music. Biglang lumabas si sir Jake sa isang pinto na sa palagay nya ay banyo. Nginitian nya ito.
"Sir start na po tayo." naiilang man syang tingnan ito ay mas nanaig ang pagiging professional therapist nya.
"okay, ano ba ang mga kailangan mo?"
"I need a beach towel sir." may inabot naman ito sa kanya na beach towel. Hinubad na nito ang suot nyang rob kaya nakita nyang nakaboxer nalang ito. Agad naman syang tumungo dahil naiilang sya. Madami na syang nakitang lalaki na nakaboxer at minasahe nya, pero kailan man di sya nakaramdam ng pagkailang at painit ng pakiramdam sa mga ito lagi syang nagiging professional, pero iba ang epekto sa kanya nitong si sir Jake, di nya alam kung bakit. Sinabi nalang nya sa sariling first time mo palang kasi syang imamassage yaan mo't masasanay din ka ,kaya mo yan Fems!!
Dumapa na ito sa isang bed at tinakloban ko buong likod nya ng towel. Nag start na ako mag warm up sa kanya. " Sir okay na po ba ang pressure na to?" tanong ko ng diinan ko ang kanyang balakang.
"More harder okay?"
"Yes sir." lalo pa syang nagbigay ng hard pressure. Mukhang nasatisfied naman ito sa warm up nya. Tinanggal na nya ang towel sa likod nito at nilagay sa pang upo nito, binaba nya ng kunti ang boxer nito para mas mahilot ang bandang balakang nito. Nakaka 30mins na sya sa likod nito at mukhang nasasatisfied naman sya.
Napapagitnaan ng dalawang hita nya ito upang mahagod ang buong likod nito nang hindi sya nahihirapan. Pinipisil nya ang balikat nito, nang may nalaglag na butiki sa may unan nito malapit sa may mukha kaya nagulat ito at biglang tumihaya at yumakap sa kanya sabay sigaw ng "Butikiiiii!!!!" Di agad sya nakakibo dahil napaakward ng posisyon nilang dalawa nasa ibabaw sya nito habang ito'y nakaupo at nakayakap ang dalawang braso sa kanyang likod. Ramdam na ramdam nya ang p*********i nito sa pang upo nya.
Nang marealize naman nito ang posisyon nilang dalawa ay unti unti nitong inangat ang mukhang nakasubsob kanina sa may dibdib nya. Tumitig ito sa kanyang mga mata na kala mo nangungusap. Biglang nag init ang pisngi nya sa pagtitig nito. At nakaramdam din sya ng napakaraming boltaheng dumadaloy sa katawan nya at parang may paru paro sa kanyang tiyan. Nakipagtitigan sya dito, naramdaman nya ang unti unting pagtigas ng p*********i nito.
"Ehhhhemmm!" di nila namalayang nakapasok na pala si Janna. Kaya sa gulat ni sir Jake ay bigla sya nitong naitulak, kaya nalaglag sya sa kama. Naramdaman nyang sumakit ang pwet nyang bumagsak.
"Araaaayyyy!!! " daing nya habang hawak ang balakang .Agad namang nagsilapit sina Janna at sir Jake at tinulungan syang makatayo.
"Kuya buhatin mo na sya, dalhin mo sya sa kwarto ko bilis." agad namang tumalima ang lalaki at pinangko sya nito di na sya nagreklamo kasi masakit talaga ang pwet nya. "Ano ba kasing ginagawa nyo at magkapatong kayo di naman ganun kapag nagmamassage ah" nakita nya ang biglang pagdilim ng mukha ni sir Jake at pagngisi naman ni Janna.
"You know what? shut-up your mouth and open the door." sumunod naman ito sa kapatid at nilapag sya nito sa isang kama na napakalaki at napakalambot. Pagkalapag nya sa kanya ay agad nya akong pinadapa tiningnan ang balakang nya. " I'll check it kung may pasa. San part dito ang masakit hah Fems?" halata sa boses nito ang pag aalala.
"Ehmm, kuya ako na ang bahala kay Fems. I think kailangan mo muna magbihis at pag di okay ang pakiramdam nya dadalhin natin sya sa ospital."
"Ahmmm di na k-kailangan Janna nabigla lang siguro yung katawan ko sa pagbagsak. Di naman ganun kasakit kaya ko naman eh, pahinga ko lang kunti, ako na ang bahala." mahabang paliwanag nya sa magkapatid.
Lumabas naman si Jake at naiwan sa tabi nya si Janna.
"What happened ba kasi? May balak ba kayong gawin ni kuya kung di ako dumating?" ngumiti ito ng nakaluluko alam naman nya ang ibig sabihin nito at di naman nya masisisi ito dahil sa nakita nyang posisyon nila ng kuya nya.
"May bumagsak kasing butiki malapit sa mukha nya knina, tas nagulat sya, di ko na din masyadong maalala kasi ang bilis ng pangyayari." seryoso nyang paliwanag dito.
"Laking tao takot naman pala sa butiki. Baka naman nagdahilan lang ang kuya para makatyansing sayo?" di naman maintriga itong si Janna ano?. Pero nakangiti naman ito habang sinasabi yun halatang nagbibiro.
" Kung gusto nya akong tyansingan ng kuya mo di sana di nya ako tinulak ng pagkalakas lakas." nagtawanan silang dalawa. Mukhang makakasundo nya itong si Janna ang sarap nya kausap.
" Pero alam mo ang cute ninyong dalawa kanina habang nagtitigan. Naku kung single lang ang kuya pipilitin ko syang ligawan ka. " May naramdaman naman syang kunting kirot sa puso sa pagkakaalam na may girlfriend na pala si sir Jake. Sa itsura ba naman nyang yun na halatang nagkakandarapa ang mga babae.Eh napaka imposible kung wala itong nobya.
" Wag ka mag alala Fems pag nagbreak sila ikaw irereto ko sa kanya. " tumawa lang sya sa kawalan ng masasabi.
"Hmm Janna mapamassage ka pa ba?" pag iiba nya ng topic.
"Hahaha sa itsura mo yang pagtratrabahuhin pa kita? Dito ka nalang matulog para makapagpahinga ka ng maayos."
"Ay naku Janna hindi na uuwi na lang ako kasi mag aalala yung best friend ko sa akin."
"No, you need to rest , dito ka na matulog at ako na ang magpapaalam kay KZ. Janna pahiramin mo sya ng damit ng makapagpalit na sya, mukhang magkasize naman kayo. Bumaba na din kayo after mong magbihis nagpahanda ako ng dinner kay manang." walang pasabi na wika ni sir Jake, at lumabas na din ito agad.
Nagkatinginan lang sila ni Janna at sabay na ngumiti.
"Buti nalang Fems at madami akong under wear na di pa gamit." may inabot itong isang pajama, isang sando at underwear. " And sayo na pala yan remembrance mo sa unang gabi mo dito sa bahay." nakangiti nitong sabi.
" Salamat dito Janna." Umupo na sya mula sa pagkakahiga at pinakiramdaman ang sarili kung may sasakit pa ba sa katawan nya.
"Sus okay lang maliit na bagay. Ahm wait okay na ba ang pakiramdam mo? Wala na bang masakit? Gusto mo alalayan na kita papuntang banyo?" bigla itong lumapit sa kanya at inalalayan sya.
" Medyo masakit pa ng kunti ang balakang ko. Ang lakas kasi ng pagkakatulak ni sir sa akin eh." sabay kamot nya sa kilay gamit ang hintuturo. Bigla naman itong tumawa sa sinabi nya.
" Nagulat lang yun ng makita nyang nakita ko kayo. hahahah. oh sya magligo ka na at ng makakain na tayo, gutom na din kasi ako eh."
"Pwede ba kong hindi ako maligo Janna?" nahihiya nyang tanong dito.
"Bakit di ka maliligo?" nagtataka naman nitong tanong sa kanya. Di nya alam kung okay lang dito na katabi sya kahit di sya naligo kaya nahihiya syang magsabi na di sya maliligo.
" Anu kasi-- ahm ano ahm -di na kasi ako pwedeng magbasa kasi medyo madami na akong minasahe sa spa and hindi ko na pwedeng basain pa ang kamay ko kasi mapapasma ako." nauutal utal niyang sabi di rin nya kasi alam kung naniniwala ba ang mayayaman sa salitang pasma kasi ang alam nya pagyayaman kahit pagod naliligo.
" Ah ganun ba? Pero may heatter ako sa CR, di ba pwede naman yun makapaglinis ka lang?"
" Ah oo pwede yun. okay so ligo na muna ako Janna." lalakad na sana sya papuntang banyo nito ng may maalala kaya huminto sya sa paglalakad at humarap dito " Ahm Janna wala pala akong gsmit panligo?" sabi nya dito habang nagkakamot sa kilay.Tumawa naman ito.
" Feel free na gamitin ang mga gamit ko sa banyo basta wag lang ang toothbrush ko." sabay tawa nito. Kaya tumawa na din sya kahit nahihiya. " Wag ka na mahiya sa akin Fems i feel like your my sister. I really really want to have one, kaya lang di na nag anak ang mommy ko after manganak sa bunso naming si Jacob." Tiningnan sya nito sa mata. " You know what Fems? i can't understand my feeling right now, pero ang gaan ng pakiramdama ko sayo una palang kitang makita." sa sinabi kasing iyon ni Janna ay parang tumaba ang puso nya. Kaya di nya maiwasan ang mamula sa sobrang pagpipigil na maiyak. Bigla naman nitong tinaas ang dawalang kamay na kala mo'y sumusuko "Wait baka iniisip mo na lesbian ako hah? staight po ako, sadyang magaan lang yung feeling ko sayo like a sisiter." mahabang litanya nito na ikinatawa nya. Kaya naman ito naman ang kumunot ang noo. " Bakit anong nakakatawa?"
" Di naman kasi pumasok sa isip ko na lesbian ka. Pinipigilan ko kasing umiyak kasi sa sinabi mo kanina na 'you like me as your sister', kasi gustong gusto ko rin na magkaroon ng kapatid na babae." di nya napigilan ang mapaluha kaya lumapit ito sa kanya at niyakap sya. Gumanti naman sya yakap. Alam nyang lumuluha din ito sapagkat naramdaman nyang nabasa ang balikat nya. Sya ang unang naghiwalay sa pagkakayakap namin, di nga ako nagkamali ng lumuluha din sya kasi dali dali nya itong pinahid.
" Oh sya maligo kana at baka magalit na si kuya mainipin pa naman yun. Bababa na ako sumunod ka nalang don hah?" nakangiti nitong sabi. Tumango lang sya at dumeretso na sa banyo upang maligo.
Nag half-bath nalang sya. Di na nya binasa ang buhok nya kasi masyado itong makapal at mahihirapan lang syang patuyuin ito. Bumababa na din sya suot ang binigay na pantulog ni Janna.
Pababa na ako ng makasalubong ko ang isang kasambahay nila. " Ay mam inaantay na po kayo nila sir sa kusina. Sumunod po kayo sa akin." tumango lang sya dito at nginitian , sumunod naman sya kung saan ito pumunta. Nakita nyang nasa hapag na sina sir Jake at Janna.
"Take your sit miss Fems." umupo naman sya sa tabi ni Janna. " Let's eat" kinuha ni Janna ang kanin at inabot sa kanya pati ulam ito rin ang nag aabot nag lalagay sa plato nya. Habang nagkakain ay nagkwekwentuhan ang magkapatid sya naman ay tahimik lang na kumakain.
" Ahm kuya ano pala ang sasabihin mo kay miss KZ kung bakit di makakauwi si Fems?"
" I'll told her later na nagka- emergency ang driver natin kaya walang maghahatid sa kanya. Okay na ba yun sis?"
" Okay na yun kuya , ahm kuya mapamassage ka pa ba kay Fems mamaya?"
" Nope, maybe next week nalang siguro. I like her pressure kahit mukha syang payatot." napalingon naman sya dito di nya alam kung matutuwa ba sya o maasar sa sinabi nito. "Bwisit kasing butiki yun pasira ng pagrerelax ko." mahinang sabi nito na kala mo eh bubulong bulong pero malinaw malinaw na nadinig yun nila ni Janna. Nagkatinginan nalang sila at sabay na ngumiti.