Chapter 1- The Farmers Life
Ayaw kong maging masaya natatakot kasi akong maging malungkot. Sabi kasi nila, bawat kaligayahan na ating mararamdaman ay may kapalit na kalungkutan. Eh ano ba dapat ang ating mararamdaman, hindi ba pwedeng saya nalang lahat?
Ako si Yhonomie Hyun na nakatira sa kabundukan na kung saan ay makikita mo ang iba't ibang klase ng mga gulay.
Pagtatanim ng mga gulay ang pangunahing produkto namin na iniluluwas sa bayan para ibenta.
Malayo man sa bayan subalit payapa naman. May malinis na hangin, tubig at maraming mga masusustansiyang pagkain.
Mula sa kinauupuan kong puno ng mangga na malapit sa maliit naming kubo ay makikita ko ang nakakabata kong kapatid na naka-upo sa improvised welchair na gawa sa kahoy na pinapakain ang mga manok. Sa tabi naman niya ay naka-upo ang aking ina na naglalaba habang nasa tabi niya si ama na nagsisibak ng kahoy. Ang saya nilang pagmasdan.
"Anak, kumusta ang niluluto mong ginisang repolyo?" tanong ni ama habang inilalagay niya sa tabi ko ang sinibak niyang kahoy.
"Malapit ng maluto ama," sagot ko.
"Sige, magluto ka lang diyan. Tutulungan ko muna ang ina niyo sa paglalaba para makakain na tayo."
Ngumiti ako kay ama habang palapit siya kay ina. Wala na akong hahanapin pa. May buo at masaya akong pamilya kahit mahirap ang buhay. Tinali ko ang kulot kong buhok tsaka ko pinatay ang apoy. Inihanda ko ang mesa at pagkain tsaka ako lumapit kina ina, ama at sa bunso kong kapatid.
"Kain na tayo, luto na ang ginisang repolyo at pritong tuyo," nakangiti kong sabi habang nakahawak sa welchair ni bunso.
Ngumiti silang tatlo habang inihihinto ang mga ginagawa nila. Agad na binuhat ni ama si bunso at pina-upo sa harap ng mesa habang sumusunod kami ni ina.
"Magdasal muna tayo ha," sabi ni ama habang pinipikit ang mga mata para magdasal na noong nasa harap na kaming lahat ng pagkain.
Yan ang palaging itinuturo ni ama at ina sa aming magkapatid.Pagkatapos ng kainan ay maiiwan ulit si bunso sa bahay at pupunta naman kami nina ina at ama sa bukid para magtanim ng repolyo at patatas pero tinulungan ko muna si ina sa pagsasampay ng mga damit na nilabhan niya.
"Timmy anak, alis na kami ha? Ang pagkain nasa mesa pag magutom ka. Mag-ingat ka dito. Pag gusto mong matulog ipindot mo lang itong dulo ng welchair para bababa."
"Opo ama. Ama pag umuwi kayo kuha kayo ng bayabas ha," nakangiting sagot ni Timmy.
Ngumiti kaming lahat at yumakap sa kanya.
"Sige na, alis na kami habang hindi pa masyadong mainit ang panahon."
Naglakad na kami papunta sa bukid. Minsan naaawa ako kay Timmy. Sabi nina ama at ina naipanganak daw siyang walang paa pero sabi naman ng mga chismosang mga kapitbahay ay pinutulan daw dahil daw sa pagiging tuso daw ni ama noon. Hindi ko alam ang paniniwalaan ko pero naniniwala akong mabait si ama.
"Negra! Negra!"
Madalas na marinig namin mula sa mga batang dinadaanan namin habang papunta kami sa bukid. Hindi na ako nasasaktan pang marinig iyon dahil sanay na sanay na ako. Madalas ay ngumingiti nalang ako.
"Kayo ha! Di ba sabi ko huwag na huwag ninyong tinatawag ng ganyan ang anak ko!" madalas na marinig ko mula kay ama.
"Ama huwag mo na silang patulan pa. Ang bata pa nila," sabi ko kay ama tsaka ko hinila ang mga kamay niya para magpatuloy kami sa paglalakad papunta sa bukid.
"Ama, ina, bakit nga ba ganito ang kulay ko parang nasunog na tilapya? Si bunso kayumanggi naman pati din kayo?" minsan ay tanong ko habang nasa bukid kami na nagtatanim ng repolyo.
"Ikaw naman anak, nagtanong ka ulit ng ganyan na tanong. Kasi nga anak pinaglihi ka ng ina mo sa mga sunog na pagkain. Madalas sinasadya niyang sinusunog ang mga ulam noong ipinaglilihi ka niya," sagot ni ama tsaka pareho silang tumawa ni ina.
Sumimangot naman ako.
"Ama, ina, hindi na ako bata. Labing walong taong gulang na ako! Nakakainis naman kayo eh," sagot ko habang padabog na itinatanim ang relolyo na hawak-hawak ko.
"Anak, kahit anong kulay meron ka mahal na mahal ka pa rin namin. Huwag ming isipin na pangit ka dahil naiiba ka sa karamihan. Maganda ka Yhonomie, yan ang ilagay mo diyan sa utak mo," sabi naman ni ina.
"Syempre, anak niyo ako eh. Kung pangit ako edi pangit din kayo dahil kanino pa ba ako magmamana kung hindi sa inyo!"
Sabay kaming lahat na tumawa pagkatapos kong magsalita. Mahirap ang buhay sa bukid pero masaya naman kapag kasama ang pamilya. Minsan babagsak ang presyo ng mga gulay at minsan naman tataas. Pero hindi importante sa amin ang presyo ng mga gulay ang importante kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw.
Madalas ay maaga kaming pumupunta sa bukid at gabi na din pag umuwi na. Madadatnan nalang namin si bunso sa pintuan ng aming kubo na nakawelchair habang hawak-hawak ang kandila sa mga kamay niya na siya namang ilaw namin. Madalas ay tunuturuan namin siyang gumalaw mag-isa kahit wala kami. Kaya kapag minsan nakapagluto na siya ng hapunan pero kung hindi ay sasabihin niyang, "Pasensiya na, hindi ko kinaya." Napapangiti nalang kami.
"Anak, isukat mo itong ginawa kong pantalon," sabi ni ina pagkatapos ng hapunan.
Ang pantalon na ibinibigay niya at halos lahat ng damit namin ay gawa ni ina. Marunong siyang manahi at gumawa ng damit kaya natuto na din ako. At lahat ng suot namin ay gawa niya.
"Wow, ang ganda nito ina. Ina bakit kaya hindi mo subukang ibenta ito?"
"Anak, ang layo natin sa bayan para ibenta. Tsaka dati naman nating damit yan, pinaganda ko lang."
"Kahit na, pero huwag kang mag-alala balang araw gagawa ako ng pagawaan ng mga damit at ikaw ang mananahi ko. Oh diba! Magkakapera na tayo."
"Hay naku anak. Oo na, masaya ako para sa pangarap mo."
Nagyakapan kami ni ina kahit hindi ko alam kung paano ko iyon matutupad. Hindi nga ako nakapag-aral eh. Elementarya lang ang natapos ko dahil sa hirap ng buhay. Hindi pa sa amin ang bukid na tinatamnan namin kaya hati ang bayad kung sakaling makapag-ani kami at maibenta ito. Pero kapag babagyo ay swerte nalang namin kapag hindi ito masisira.
"Iha, nakikita mo ba ang itsura mo? Ang itim itim mo! Hindi ka ba nagtataka kung bakit ganyan ang itsura mo? Baka hindi ka nila anak? Naririnig mo ba ang mga chismis na baka iba ang tatay mo?" sabi ni Anty Marilou noong nasalubong ko siya habang papunta sa tindahan para bumili ng sardinas. Isa si Anty Marilou sa aming mga kapitbahay na nagunguna sa pagchichismis.
Nasaktan ako.Masyadoong maliit ang tingin ko sa sarili ko sa mga panahong iyon.
"Kayo naman Antie. Anak ako ni ama," malumanay kong sagot.
"Eh bakit apilyedo ng ina mo ang gamit mo?" tanong niya.
Bigla akong napa-isip. Oo nga naman. Stel ang apilyedo ni ama at Hyun naman kay ina at ang nakalagay sa birthcertificate ko ay Yhonomie Hyun. Bakit nga ba ngayon lang ako magtaka. Bigla kong iniwan si Anty Marilou sa daan at napatakbo ako habang iniisip ang bagay na 'yon. At sa pagtakbo ko ay bigla nalang akong nadulas dahil sa basang-basa na daanan. Napasubsub ang mukha ko sa lupa at tila ayaw ko nang bumangon pa.
"Okay ka lang?"
Isang nagtatanong na boses ang narinig ko at noong iniangat ko ang mukha ko mula sa lupa ay nasilayan ko ang isang lalaking nakatayo sa harapan ko.
Sa unang tingin ko lamang ay naramdaman ko na ang malakas na pagpitik ng aking puso. Inlove na ata ako sa lalaking ito. Maputi siya at mukhang mayaman. Ngayon ko lang siya makita sa lugar namin.
"Okay ka lang?" tanong niya ulit na nakangiti.
Agad akong tumayo at humarap sa kanya habang nakangiti.
"Okay lang ako."
"Teka, may putik ata sa mukha mo?" tanong niya ulit.
"Hayaan mo na. Di bale hindi makikita yan dahil sa maitim na kutis ko."
"Maitim ka nga pero maganda ka naman."
Halos tatalon ako sa saya dahil ito ang unang pagkakataon na may nagsabi sa akin na maganda ako.
"Ako pala si Reign."
"Ako din si Yhonomie. Teka ngayon lang kita nakita dito ah?" tanong ko na tila nakikilig habang nakatitig sa kanya.
Maslalo pa siyang gumugwapo sa tuwing ngingiti. At kung hindi ako nagkakamali ay magka-edad lang kami.
"Oo, ngayon nga lang ako nakarating sa lugar niyo eh. Pinasyal lang namin ang pinsan ni mama dito. Teka mauna na pala ako baka hinihintay ako," ngumiti siya habang papalayo.
Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kilig. Siya lang ang taong nagsabi sa akin na maganda ako. Nakaramdam ako ng saya subalit nang makita ko ang itsura ko mula sa salamin ng kotse na dinadaanan ko ay nakaramdam ako ng lungkot. Napakaliit ng tingin ko sa sarili ko.
"Bakit kaya naiiba ako?" paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko.