Niveya's POV: "Bakit nagmamadali ikaw? May masakit ba sa 'yo? Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Radon. "I'm f-fine, please u-uwi na tayo. I can't tell you my problem p-pero susubukan ko. Please u-uwi na muna t-tayo," umiiyak kong sabi kay Radon. Alalang-alala si Radon sa akin. Hinalikan niya ako sa labi at niyakap ng mahigpit. Binigyan niya rin ako ng unan para yakapin at nagsimula na siyang magmaneho. Panay pa ang sulyap niya sa akin. Ramdam ko ang sobrang pag-aalala niya. May mga nakasunod sa amin na sasakyan bilang cover dahil kinakabahan si Radon sa pag-iyak ko. Sa tingin ko ay may kutob na siya kung bakit agad ako nagpapauwi at ayaw ko nang magstay pa roon. Kakain pa nga dapat silang lahat pero nang makita nila akong nangangatog ay pinauwi na nila kami ni R

