Niveya's POV: Isa-isa nang lumabas ang Golden State Warriors. Napakalakas nang hiyawan ng mga tao dahil sikat sila at lagi pang na nanalo sa finals. Nakakaproud naman talaga ang Radon ko. Kung nanganak na ako ay dalawa na kaming magchecheer sa kaniya. Hindi na ako makapaghintay para sa future namin ni Radon. Naeexcite ako. "And last but not the least, our MVP last year MVP Radon Andrei Caruso!" sigaw ng host nitong game. Naghiyawan ulit ang mga tao maging kami ni George ay nakikihiyaw na rin. Kumakaway si Radon sa mga tao at nang makita ako ay kumindat pa siya. Ang gwapo talaga ng tatay mo, baby ko! Napahimas na naman ako sa aking tyan. Hay, makalaglag panty talaga. Ang berdeng mata ba naman na iyon ang titingin sa 'yo. Parang dragon na ang nalipad sa puson ko at hindi mga paru-paro.

