Niveya's POV: Anim na buwan mahigit na akong buntis at mula noong may nareceive akong email kay Selene, hindi na ako muling lumabas. Tanging mga check-ups na lang ako lumalabas ng bahay. Iba ang naidulot ng message niya na takot sa akin. Papunta na kami sa Amerika dahil magaganap doon ang unang training nila Radon. Golden State Warriors ang team nila at ang makakalaro ay ang Boston Celtics. Hindi ako mahilig sa basketball pero mukhang marami akong malalaman tungkol doon dahil kay Radon. Ramdam ko namang gumalaw ang kama kaya napapihit ako. Bumungad sa akin si Radon na matamlay. Kaagad ko namang hinawakan ang pisngi niya at hinalikan sa labi para magtanong. "May problema ka ba? Ayos ka lang ba? Parang ang tamlay mo yata," tanong ko. "I'm okay, sa 'yo ako nag-aalala. Kanina ka pa na

