Niveya's POV: May isang linggo na ulit ako rito sa puder ni Radon. Hindi niya ako kadalasang pinapansin at minsan ay tinatapunan na lang ng tingin. Wala kaming imikang dalawa madalas. Wala rin siyang pakialam sa akin na masakit para sa akin. Nahulog na ako para kay Radon kaso hindi niya naman ako gusto, ang tanga-tanga ko. May pasabi-sabi pa ako sa aking sarili na hindi na ako muling magkakagusto at iibig pero heto ako ngayon sa tatay ng anak ko, parang tanga lang. Isa pa, parang nandidiri siya sa akin. Malaki kasi ang naging issue ko noon na alam niya na ngayon. Lalo niya pang ikinagalit dahil nagpanggap ako at naglihim. Hindi ko alam kung balang araw ay kakayanin kong sabihin sa kaniya ang totoo. Gusto ko man sabihin sa kaniya ang totoo, hindi ko kaya. Natatakot ako na baka lalong may

