Niveya's POV: Nang matauhan ako habang nakasubsob sa dibdib ni Radon ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Itinulak ko rin siya para maglayo kaming dalawa. Hindi dapat ako magpadala maging siya. "Radon, lasing ka lang. Itigil mo ito dahil alam kong pagsisisihan mo lang ito bukas. Aalis na ako at sa kwarto ko na ako matutulog. Matulog ka na rin d'yan," paalam ko kay Radon at umipod papunta sa dulo ng kama. Tatayo na sana ako nang hilahin na naman ako ni Radon. Naiinis na ako. Bakit ba siya hila nang hila!? Baka sumakit ang braso ko! "Ano ba ha? Bakit mo ba ako hinihila nang hinihila?" naiinis ko nang tanong. "Dito ka na kasi honey, huwag mo akong iwan. Mamaya ay iwan mo na naman ako at umalis ka. Gusto ko tabi tayong matulog," nakangusong sabi ni Radon. Parang lumambot ang puso k

