Xhymich pov Agad akong pumara ng taxi paglabas ko ng opisina at nagpahatid sa refill bar kahit masyado pang maaga. Pagpasok ko sa naturang bar ay agad na akong nagtungo at umupo sa counter ng bar at umorder ng tequila. Inikot ko ang aking mata para hanapin si Lander at para may kasama akong uminom pero hindi ito magilap ng aking mata. "Si Lander?" Tanong ko sa barista na naka duty ngayong umaga sa bar. "Si sir Lander po ma'am? Wala pa po eh, mamaya pa pong hapon ang dating ni, sir Lander. May kailangan po ba kayo sa kanya? " Tanong din nito sa akin. "Wala naman, bigyan mo nga ako ng whiskey, yung matapang ha." Ani ko ng maubos ko ng tequila sa aking baso. "Naku ma'am hindi po ba masyado pang maaga para uminom kayo ng matapang na alak?" Kontra nito sa akin. "Wala kang pakialam kung ma

