Gumising ako kinabukasan na wala na si Austin sa aking tabi. Siguro ay bumalik na ito sa kanyang unit. Agad na akong bumangon at naligo. Pupunta ako sa opisina niya nang tuluyan ng pumirma ng termination sa akin kontrata. Hindi na ako tumawag pa kay Austin na pupunta ako sa opisina nito. Pagdating ko sa kumpanya ay agad na akong dumerecho sa opisina ng aking asawa. "M-ma'am, Mich!" tila na bigla pa si Jennie ng dumating ako. "Nandiyan na ba si Austin, Jennie?" Tanong ko sa namumutlang sekretarya ni Austin. "Po? Ah, opo, p-pero sinabi po ni sir Austin na wag daw po muna ako mag papasok ng kahit sino ma'am." Kunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Kasama ba ako sa pinagbawalan niya na pumasok sa opisina niya?" Galit na tanong ko. "I'm sorry, ma'am ginagawa ko lang po ang trabaho ko, a

