FOREVER He's so happy. Kasingningning ng mga bituin ang kasiyahan niya habang pinagmamasdan ang papalapit ng babaeng na siyang mas nagbigay ng ningning sa buhay niya. Napakaganda nito sa suot nitong puting bestida na may simpleng disenyo na may mga burdang hugis bituin. Mas lalo nangningning ang kagandahan nito sa ilalim ng maliwanag ng buwan at ng mga bituin. Ito ang gabi ng kanilang pag-iisang dibdib sa tulong ng isang judge na nakausap nila ni Rhoda mula sa bayan. Wala man saksi bukod sa judge na kinuha nila. Alam niyang saksi ang kapwang-bituin niya ng mga oras na iyun. Napukaw siya ng hawakan nito ang kanyang kamay. "Constell.." Ikinulong niya sa kanyang mga palad ang kamay nito. "Napakaganda mo,my sweet Rhoda.." "Salamat..ikaw naman lalo kang gumwapo sa suot mo," ganting tugo

