GUILT Hindi maiwasan ni Rhoda ang makaramdam ng guilt ng malaman niya na mula ng piliin nito manatili sa tabi niya at siya ang piliin nito ay unti-unti nawala ang mga kakayahan ni Constell. Ang mga kakayahan nito na isa-isa na ng nawawala at nagiging normal na lamang isang tao si Constell. Naguguilty siya. Naging makasarili ba siya at hinayaan niyang siya ang piliin nito? Pwede naman niya ito ipagtabuyan o pangakuan na kayang buhayin mag-isa ang kanilang magiging anak. Na magiging matatag siya para sa kanilang anak kahit wala ito sa tabi nila. Nakagat niya ang pang-ibaba labi ng makita na malalim ang iniisip nito habang nakatitig sa kalangitan na nabubudburan ng mga bituin. "Constell.."untag niya rito. Agad na nilingon siya nito at masuyong inabot siya nito at hinila palapit rito

