STARRY TEMPLE Nagpulong-pulong ang siyam na bituin ng matanggap ang mensahe mula kay Constell Uno. Hindi inaasahan ng lahat ang naging desisyon ng kapwang bituin. "Sabi niya hindi siya gagaya sa ibang bituin? Naman..iniwan na niya tayo," komento ng isang bituin. Alam ng mga ito na si Constell ay isa may paninindigan na ang pag-ibig ay isang kahinaan at hindi ito magpapadaig roon ngunit natalo ito. Natawa ang ilan maliban sa iba na tahimik lang. "Isa lang ibig sabihin nito..malakas ang kapangyarihan ng pag-ibig mula sa lupa," anang ng isa. Kung natibag ng pag-ibig na yun si Constell tunay nga na makapangyarihan ang salitang iyun. Natahimik ang lahat hanggang sa may bumasag niyun. "Kayo ba? Sa palagay niyo matutulad din tayo kay Constell?" untag ng naunang nagkomento. Tila nagdudu

