CHOOSE Para siyang mababaliw habang tinatanaw niya ang unting-unti pag-alis ng taxi na inokupa ni Rhoda. Gustuhin man niya pigilan ito ayaw naman niyang maging komplikado ang lahat. Nakapagdesisyon na ito at habang siya naguguluhan pa! Oh,Constell..alam mo kung ano ang gusto mo. Ano ba ang kinatatakot mo?! "Wala akong kinatatakot.." mariin niyang bulalas . Unti-unti na din nababalot ng takot at kahungkagan ang puso niya habang natatanaw ang paglayo ng taong nagpatibok sa puso niya. Mariin niya ikinuyom ang mga palad. Aaminin niya sa sarili na nahihirapan talaga siya mamili. Nag-iwan siya ng pangako sa Starry Temple sa lahat na babalik siya pero..pero mas malaki ang kagustuhan niyang manatili rito..kasama ang kasintahan..at ng magiging anak nila. Naduduwag ba siya? Pinasok niya ito. N

