GOODBYE Ilang beses na huminga ng malalim si Rhoda bago siya lumabas ng silid. Alam niyang nasa salas lang si Constell at tahimik lang ito nakaupo roon. Mula ng makompirma niya na nagdadalang-tao nga siya. Nakaramdam siya ng takot. Alam niyang kahit malaman nito na magkakaanak na ito hindi pa rin niyun mapipigilan ang pag-alis nito. At natatakot siya para sa kanyang sarili. Baka..baka hindi niya kayanin. Agad na humugot siya ng malalim na hininga ng magbabadya na manikip ang dibdib niya sa nababantang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Kailangan nila makapag-usap ni Constell. Nakapagdesisyon na siya at sa palagay niya ito na ang oras para..matapos na ang lahat. Mas madali niya matatanggap kung maaga na siyang magpapaalam rito. Uunahan na niya ito bago pa ito ang maunang magpaalam sa kanil

