HUNGRY Warning: short sexy scene Malapit ng maputol ang pagtitimpi ni Constell sa sarili dahil nagliliyab na apoy na lumulukob sa sistema niya. Mahimbing na natutulog si Rhoda sa tabi niya at samantalang siya heto siya balisa dahil sa pagnanasa niya sa babaeng katabi. Nakailang mura na siya sa kanyang isipan. Mariin na ipinikit niya ang mga mata pero agad na lumitaw sa likod ng mga mata niya ang magandang kasintahan. Ang unang beses na inangkin niya ito at malinaw na naglalaro sa isipan niya ang eksena na halos kinabaliw niya. "Damn it!" bulalas niya. "Constell,bakit?" bigla nagising na tanong ng dalaga. "I'm sorry..matulog ka na ulit,alam kong pagod ka," aniya. Napatitig ito sa kanya at bahagya nag-angat ng katawan."Pinagpapawisan ka? Ang init mo,may nararamdaman ka ba?"bigla nit

