PREGNANT Aminin man niya o hindi pero lagi siyang nasasabik sa tuwing aangkinin siya ni Constell. Maraming beses na may nangyari sa kanila at hindi niya pinagsisihan na ibigay rito ang kanyang sarili kahit na walang kasiguruduhan ang relasyon nila ng binata lalo pa't alam niyang lilisanin na nito ang mundo niya. Na babalik ito sa mundo na pinagmulan nito. Ang totoo nitong tahanan. Sa tuwing sumasagi sa isip niya ang nalalapit na pag-alis nito agad siyang nakakaramdam ng lungkot,pangungulila at kahugkagan. Pakiramdam niya sa oras na tuluyan na itong mawala hindi na magiging kumpleto pa ang buhay niya. Ngunit kailangan niya pa rin harapin ang realidad na walang permanente sa mundong ito pero sa isip at sa puso niya mamanatiling nakaukit roon ang pangalan ni Constell Uno. Pagkamulat ni Rh

