FOUR

480 Words
Kiss Hindi maalis-alis ang mga mata niya sa magandang mukha ng dalaga na puno ng kaguluhan at katanungan. Nakaluhod ang isang tuhod niya sa sahig. Hindi niya alam dahil kusang kumilos ang katawan niya palapit dito at haplusin ang maputla nitong pisngi. Hindi niya napigilan ang sarili na gawin iyun. Aminado siya na nasasabik siya na magising na ito at makilala ang babaeng taga-lupa. "P-paano nangyari...na..buhay pa ko?"shock nitong usal na pumukaw sa kanya mula sa pagkakatitig niya rito. "H-hindi ko maunawaan.." "Ang importante buhay ka pa,Rhoda,"saad niya na kinatitig nito sa kanya. " Bakit?" Tumiim ang mga mata niya rito. Hindi niya alam kung bakit tila gusto nitong mamatay na lang. "Dahil hindi pa oras para mamatay ka,ganun kasimple," aniya. "Pero..imposible mabuhay pa ko," usal nito sa sarili. He sighed. "Patay na ko,sigurado ako dun," muli nitong usal. "Paano kung buhay ka pa talaga?" pukaw niya rito. Umiling ito. Hindi naniniwala na buhay pa talaga ito. "I-imposible talaga," saad nito. "Gusto mo mamatay na? Sayang marami pa naman nagmamahal sayo," aniya. Umiling ito at nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. "Hindi lahat ng nagmamahal sakin ay totoo," mahina nitong usal na may kaakibat na pait at poot. Hmm,malalim ang pinaghugutan. "Maraming gusto mabuhay pero ikaw,ganun na lang ang kagustuhan mong mamatay na lang," matiim niyang saad. Hindi niya nagugustuhan ang gusto talaga nitong mangyari. She want to die! "Alam kong patay na ko," wika nito na hindi sinagot ang sinabi niya. Naikuyom niya ang mga palad. Naiinis siya sa taga-lupang ito! "Buhay ka pa,"mariin niyang saad. "Hindi,patay na ko," giit nito. Nagsalubong na ang mga kilay niya rito. "Gusto mong patunayan ko sayo na buhay ka pa?" mariin niya pa rin saad. Naiirita na siya sa inaakto nito at hindi niya alam kung bakit?! Tumitig sa kanya walang buhay nitong mga mata. "Hindi..hindi ka naman Diyos para sabihin mong buhay pa ko," anito na lalo nagpairita sa kanya. Marahas siya bumuga ng hangin. "Hindi nga ko Diyos para sabihin yan..pero nilikha kami ng Diyos para bigyan ka ng pangalawang buhay at sa palagay ko sinayang ko lang ang oras ko dito sa lupa dahil mukhang gusto mo naman taLagang mamatay na," iritado niyang saad. Napakurap-kurap ang mga mata nito. Saka lang siya natauhan ng makita ang pagbukas ng pagkabahala sa maganda nitong mukha dahil sa inakto niya. Marahas siyang bumuga ng hangin. "Buhay ka pa,Rhoda..and I can and will prove that," aniya sa mahinahon na boses. "H-how?" Ngumisi siya. Saka walang ano-ano nilapat niya ang sariling bibig sa nakaawang na mga labi ng dalaga. Marahas ito napasinghap sa bibig niya at sinamantala niya iyun. Idiniin niya pa lalo ang pagkakalapat ng mga labi nila. Damn,napakalambot ng mga labi nito! Hindi niya alam pero ang tamis sa pakiramdam niya na magkalapat ang mga labi nila. Hindi ito gumagalaw. Kaya naman napipilitan na pinutol niya ang halik. Damn,gusto pa niya palalimin ang halik na yun! Nanlalaki ang mga mata nito. Ngumisi siya rito. "Ang lakas ng kabog ng dibdib mo...is it your heart beat?"usal niya. Sinapo nito ang sariling puso. "B-buhay ako..." wala sa sarili nitong saad. "Yes,my sweet Rhoda.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD