Heartbeat
Sapo-sapo pa rin niya ang dibdib na pinakikiramdaman ang mabilis na pagtibok at malakas na pagkabog ng puso niya.
Hindi siya makapaniwala. Sa bawat t***k ng puso niya gumagapang sa sistema niya papunta sa utak niya na talagang buhay pa siya!
Napakaimposible! Alam niyang hindi na siya mabubuhay ng mga oras na iyun. Ang sakit ng tinamo niya..ang mga sugat niya..mga bubog ng salamin na bumaon sa balat niya..ang mga bali niyang mga buto sa katawan.
Bakit? Bakit ni bakas ng gasgas wala siya makita ngayon?
Napaimposible!
Kumabog ang dibdib niya ng muli maramdaman ang presensya ng lalaking nagligtas sa kanya..ang bumuhay sa kanya?
Bumilis ang t***k ng puso niya ng magtama muli ang mga mata nila. Ang mga mata nito na kaylalim kung tumitig.
Agad na nakaramdam siya ng pag-iinit ng mukha ng maalala ang paghalik nito sa kanya kanina. Halik na nagpatunay na buhay pa siya? Marami naman paraan para patunayan nito iyun talagang sa halik pa nito dinaan?!
Ngumisi ito. "Patawarin mo ako kung iyun ang naisip kong paraan para patunayan sayo na buhay ka pa nga," saad nito na kinalaki ng mga mata niya.
"Yes,I can read your mind," may angas nitong saad.
"S-sino ka ba talaga? A-anong klase ka bang tao?" satinig niya sa mga katanungan iyun.
Lumaki ang pagkakangisi nito. "Gusto mo ba talaga malaman?"
"Alam kong hindi ka Diyos para bumuhay ng namatay na," usal niya na binuntutan niya ng maikli tawa.
"Tama,hindi nga ko diyos..pero sabi ko nga nilikha kami para bigyan ng pangalawang buhay ay isang tagalupa na hindi pa niya oras para mamatay," anito.
Patuloy pa rin sa mabilis na pagtibok ang puso niya.
"Bakit? Bakit pa?" usal niya sa sarili.
Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan nito.
"Bakit nga ba? Bakit nga ba na gusto mo mamatay na lang? Marami ang nagdalamhati sa pagkamatay mo,alam mo ba yun?"
Mapait siyang umiling sa sarili.
"Makakalimutan din nila ako..pero ang sakit na dinulot sa akin ng dalawa taong espesyal sakin...wala ng silbi pang mabuhay pa muli ako," aniya na puno ng kapaitan at sakit.
"Dalawang tao espesyal sayo?"
Wala sa sarili na tumango siya.
"Niloko nila ako..ginamit pala, para marating nila ang narating nila ngayon.."
Tumahimik ang lalaki. Pinakikiramdaman ang namuong emosyon na bumabalot sa paligid nila.
"Mamatay ka nga pero magiging masaya naman ang mga taong nanakit sayo,Rhoda..para mo na rin pinatunayan sa kanila na mahina ka at...isang talunan," matiim nitong saad na siya nagpatanto sa lahat sa kanya.
"Am I loser and weak?" usal niya sa sarili. To ask herself.
"Pwede mo ipanalo ang laban..sa pangalawang pagkakataon,Rhoda..nandito ako,may siyamnapu't dalawang araw ako para tulungan at suportahan ka," anito na kinatitig niya rito.
Mataman niya ito pinakatitigan. Malaking katanungan pa rin sa kanya kung sino at ano nga bang klaseng nilalang ito.
"Ako si Constell Uno,magiging guardian angel mo ako hanggat matapos ang taning ng pananatili ko rito sa mundo niyo," nakangiti nitong turan.
And her heart beat so fast.