NINE

509 Words
I LIKE YOU Maaga siyang nagising kahit na madaling araw na siyang nakatulog dahil sa pagbabasa niya sa mga naging komento ng mga tagahanga ng JaVine sa naging post niya sa fansite ng mga ito. Imbes na mairita siya nakakaramdam siya ng tuwa. Pero alam niyang hindi iyun sapat para tuluyan siyang maging masaya sa dalawang tao na nagpasakit sa kanya. Marahas siyang napabuga ng hangin. Kailangan niyang maging maingat kung ayaw niya magback-fired sa kanya ang lahat . Napukaw siya ng makita si Constell. Maaga din pala siya nagigising? Natutulog ba siya? Natutulog ba ang isang tulad nito? Isang Alien? Pinanuod niya ito habang nagjajogging ito. Pabalik-balik lang ang ginagawa nito. Kaya naman pala maganda ang tindig ng katawan nito kasi alaga sa ehersisyo. Bigla siya nakaramdam ng pag-iinit ng mukha. Bukod naman taLaga kasi na ubod na gwapo nito makalaglag panty ang pangangatawan nito in short sobrang perfect nito sa lahat ng angulo. Di ba nga kasi Alien kaya ganyan! Nasapo niya ang dibdib kung saan mabilis na tumibok na naman ang puso niya. Bakit? Gusto ko ba siya? "Bakit? May masakit ba sayo?" Napakislot siya sa pagkabigla at disoriented na napalingon rito dahilan para magkamali siya ng apak sa nakausling bato bago pa man siya sumubsob sa lupa mabilis siya nito nahawakan. Pumalibot ang matitigas nitong braso sa katawan niya at napahawak siya sa malapad nitong dibdib at balikat. Pakiramdam niya nagslow motion ang paligid ng mga sandaling iyun. Napatitig siya sa madidilim na mga mata nito na tila kay lalim kung tumitig at nahihipnotismo siya niyun. Nahihirapan na rin siyang huminga dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso niya! "Ayos ka lang ba?" may pag-aalala nitong pukaw sa kanya. "H-hindi,"wala sa sarili tugon niya. Nanatili siya nakatitig sa mga mata nito. " Rhoda.."anas nito. "I..i-i think..I like you,"usal niya. Saka lang siya natauhan sa pinagsasabi niya ng makita natigilan ito. Bigla siya nanlamig. Mabilis na kumawala siya mula sa pagkakayakap nito sa kanya. No,no,no! Anong ginawa ko?! "U-uh,I...b-bakit..b-bakit ka bang nanggugulat?" hiyang-hiya saad niya na hindi makatingin ng deretso rito. Oh no,Rhoda! You are so stupid! "Uhm,p-paano mo nagawa yun? Hindi ba nandun ka?" pagbubukas niya ng topic upang iwala sa isip nito ang sinabi niya kanina. Ang tanga mo,Rhoda! Baka isipin niya easy-to-get ka! Nanatili itong nakatitig lang sa kanya. Gusto tuloy niya lumubog sa kinatatayuan niya. "Gusto mo ako," saad nito na kinalaki ng mga mata niya. Matiim pa rin itong nakatitig sa kanya. Lalo lang niyun pinadoble-doble ang t***k ng puso niya. Writer ka,di ba? Iedit mo yung sinabi mo! Naipikit niya ng mariin ang mga mata. Humugot sya ng malalim na hininga at buong tapang na sinalubong niya ang mga mata nito. "Huwag mo sana masamain,ahm,inaappreciate ko lang ang..ang magagandang bagay," saad niya. Talaga,Rhoda? Bagay talaga? Mariin na naikuyom niya ang namamawis na niyang mga palad. Napapahiyang dinala na lang niya sa pagtawa ang katangahan niya. "Sorry! Hindi ka nga pala bagay,alien ka nga pala," aniya. Bago pa man ito makareak mabilis siyang humakbang para pumasok na sa loob ng bahay nito. Hindi na niya matagalan ang kahihiyan niya rito! Shete naman oh! Nabuhay ka lang natuto ka ng umamin agad-agad! Nagmamadaling tinungo niya ang silid na ginagamit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD