TEN

477 Words
SLEEPLESS Mula ng marinig niya ang salitang 'I like You' sa dalaga hindi na sya niyun pinatahimik at ngayon hindi siya makatulog dahil dun! He know that three words,sa templo nila marami na ang nagsabi niyun sa kanya..pero bakit iba ang epekto niyun ng sabihin iyun ni Rhoda sa kanya? Kinapos siya ng hininga ng mga sandali iyun ng marinig iyun mula sa dalaga. Tila din huminto ang oras ng mga sandali iyun. Marahas siya napabuga ng hangin at bumangon sa pagkakahiga. Malalim na ang gabi pero heto siya..hindi makatulog dahil sa tatlong salitang iyun. Naiiling na lumabas na lang siya ng silid niya. Mabuti pang maglakad-lakad na lang muna siya baka sakali antukin din siya. Ngunit halos maliwanag na ang paligid hindi pa rin siya natutulog kaya naisipan na lang niya magjogging. Naulinigan niya ang dalaga sa may kusina ng makabalik na siya mula sa labas. Mabilis na tinungo niya ang kinaroroonan ng dalaga. Abala ito sa harap ng kalan at bigla na lang kumulo ang sikmura niya ng maamoy ang ginigisa nitong bawang. Napangiti siya. Totoo talagang masarap kung sariling luto na hindi dinadaan sa mahika. Napukaw siya ng maulinigan ang mahina nitong pag-awit. Hindi siya pamilyar sa kinakanta nito pero maganda pakinggan ang boses ng dalaga. Nanatili lang siya sa b****a ng kusina habang pinagmamasdan at pinakikinggan ang dalaga na siyang dahilan kung bakit hindi siya nakatulog ng buong gabi. "Oh s**t!" nagulat na turan nito ng makita siya roon. Napangisi siya. "Magugulatin ka talaga," aniya. Inirapan siya nito. "Mabuti pa ang hangin nararamdaman agad kapag paparating..alien ka talaga,nagtiteleport ka ba?" anito sabay salin sa malaking lalagyan ang niluto nitong sinangag. "Masyado ka lang busy kaya hindi mo ako naramdaman gaya kahapon," aniya. Napatigil ang dalaga. At alam nilang pareho kung ano agad ang naalala nila ng mga sandali iyun. Gaya nito bumibilis na din ang pagtibok ng puso niya. Tumikhim ito at doon lang din siya nakabawi sa sarili. "K-kain na muna tayo," anito na hindi tumitingin sa kanya. Napabuga siya ng hangin. Ito ba ang sinasabi nilang awkward? Magkatapat sila nakaupo sa parihabang mesa. "Anong gagawin mo ngayon?" pagbubukas niya ng usapin. Napatingin ito sa kanya at nagtagal iyun. "Natutulog ka ba?" bigla nitong tanong. Napatingin siya rito. Mataman ito nakatitig sa mukha niya. "Oo naman," sagot niya kahit hindi naman totoo. "Talaga..parang kasi hindi ka natulog,ang taba ng eyebags mo eh," anito sabay tawa ng mahina sa dulo. Napangiti siya sa sinabi nito. "Ang totoo hindi talaga ako nakatulog kagabi," aniya na kinatigil nito sa pagtawa. Sumeryuso din ang anyo niya. "I've been sleepless last night dahiL sa I like you mo," deretsahan niyang saad rito na kinamaang nito. "Malaki ang naging epekto niyun sakin,Rhoda..bakit?" dagdag niya pang saad. Hindi na nagawang makaimik ng dalaga kaya siya naman ang tumawa ng mahina. "Kailangan kong makatulog ngayon masakit sa ulo kapag ganun," aniya. Alam niyang napahiya ang dalaga kaya iba na ang sinabi niya. "Masarap ang luto mo,I like it," saad niya sabay matiim na tinitigan ang Walang imik na dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD