WAVES OF DISTRESS EPISODE 37 HER NEW LIFE AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. “Amara, ano ba! Kanina ka pa tinatawag ni Mommy para hugasan ang mga pinggan sa kusina!” sigaw ng aking pinsan na si Emily nang makapasok siya sa aking maliit na kwarto. Napatigil ako sa aking ginagawa sa aking laptop. Gumagawa kasi ako ngayon ng aking resume dahil maghahanap ulit ako ng trabaho. Dito ako nakatira ngayon sa bahay ng kapatid ni Mama, si Auntie Eliza. Isang taon na ang nakalipas nang makuha sa akin ang bahay na pinaghirapan kong ipunan. Kinuha ito sa isa pang inutangan ni Papa noon at wala akong nagawa kundi ang ibigay ang bahay ko. Walang-wala na ako sa mga panahong iyon at handa na akong magpakamatay, pero buti na lang at dumating si Auntie Eliza at kinupkop niya ako at habang walang-wala ako ay

