WAVES OF DISTRESS EPISODE 36 MOVING FORWARD AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. Isang buwan na ang nakalipas at nandito pa rin ang sakit sa lahat ng nangyari. Tumigil ako sa aking trabaho at hindi ako lumabas ng bahay. Simula noong pumunta ako sa burol nila Tita Cristina at Senyor Sebastian ay iyon na rin ang huli naming pagkikita ni Tobias. Tinapos na namin kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa at hindi niya na rin ako kinulit. Pinili niya na rin sa wakas ang kanyang pamilya dahil kahit galit si Sabrina sa kanya ay alam kong kailangan pa rin siya ng kanyang bunsong kapatid. Ayoko ng mapalapit sa mga Generoso. Tama na iyong sakit na naramdaman naming lahat. Ayoko ng maulit iyon. Mabilis ang naging proseso sa kaso ni Papa dahil malakas ang ebidensya lalo na at si Sabrina ang

