WAVES OF DISTRESS EPISODE 45 THE ELEVATOR CONFESSION AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. Hindi ko na ginawa ulit ang kahihiyan na ginawa ko sa office ni Tobias—Sir Tobias pala. Nakakahiya! Nagmumukha akong hindi pa rin maka get over sa kanya at mahal pa rin siya. Well, mahal ko pa rin naman talaga siya pero hindi ako katulad ng ibang babae na ipipilit ang sarili sa lalaking ka na mahal. Isang linggo na ako rito sa trabaho ko sa Saroso Company at maayos naman ang trabaho ko rito pati na rin ang pakikisama ko sa mga ka officemate ko at si Jullie ang palagi kong nakakausap dito sa office namin. Buti na lang talaga at hindi ko na ulit nakita si Tobias kaya nakakahinga ako ng mabuti rito sa opisina at nagagawa ko ang trabaho ko nang maayos at hindi iniisip si Tobias. “Amara, alam mo

