WAVES OF DISTRESS EPISODE 44 ASSUMING AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. Nagpapanggap lang si Tobias. Nakita niya ako kanina at alam niyang dito ako nag ta-trabaho sa kanyang kompanya. Hindi ako pwedeng magkamali dahil huling-huli ko na siya! Akala niya maloloko niya ako? No! Nang makalapit na ako sa office ni Tobias ay nakita ko kaagad si Justin sa labas. Nag angat siya nang tingin sa akin at nakita ko ang kanyang pagkagulat sa kanyang mukha dahil nanlaki ang kanyang mga mata. “Ma’am Amara?!” “Papasok ako, Justin,” malamig kong sabi at pumasok na sa loob ng opisina ni Tobias at wala nang nagawa pa si Justin kundi ang hayaan akong makapasok sa loob. Nakita ko kaagad si Tobias sa kanyang table at may pinipirmahan siyang mga papeles ngayon kaya nakayuko lang siya at hindi niya pa ako na

