WAVES OF DISTRESS EPISODE 43 THE PAPER BAG AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. Mas naging maagan ang aking pakiramdam nang makaalis ako sa pamamahay nila Auntie Eliza. Meron na lang akong natitirang 5 thousand sap era ko at kailangan ko itong pagkasyahin sa isang buwan dahil wala pa akong sweldo sab ago kong pinag ta-trabahuan dahil magsisimula pa lang akong mag trabaho roon. “Great! Ang aga ninyong pumasok sa trabaho at magugustuhan ito ng mga heads natin!” nakangiting sabi ni Ma’am Jodi na galing HR department. Sinamahan niya kaming mga bago lang dito sa kompanya sa aming magiging office. Unang hinatid niya ay ang mga bago sa marketing department at ako naman ang sumunod sa accounting and finance. Nang makapasok ako sa office namin ay agad akong sinalubong ng mga kasamahan

