"Ikaw Christian. Tumigil kana. Please..." Naiiyak na sabi ni Eliza. Bigla namang huminahon silang dalawa at nag alala kay Eliza. Nalilito kaming lahat pero dati pa man di na naalis sa isip ko na mangyayari ang ganito dito. "Eliza Sorry." "Hon Sorry." Sabay pa nilang sabi kay Eliza habang papalapit. "Hanggang diyan lang kayo." Pag pigil sakanila ni Eliza at tumakbo papalabas. "Eliza!" Sigaw ko. "Ako nalang muna ang kakausap sakanya. Hintayin niyo kami dito. Ayusin niyo muna mga sarili niyo." Asar kong sabi kay Jericho at Christian. Hinabol ko naman si Eliza. Nakita ko siyang umiiyak sa labas ng bahay at nakasalampak sa damuhan. "Ayos kalang?" Nag aalala kong tanong. "Hindi." Maiksi niyang sagot habang nag pupunas ng luha. "Clyde, bakit sila ganon?" Naiiyak na tanong niya sakin.

