Nakahiga ako sa kama at iniisip ang nangyari. Nagulat ako ng lumabas na si Jericho sa CR. "May problema ka ba?" Nag tataka niyang tanong sakin habang nag pupunas pa ng katawan niya. Seryoso ang mukha niya at para bang wala akong lakas ng loob para sabihin sakanya ang nangyari. "Ah─ano...wala.....Hahaha." Naiilang na sabi ko at nag kunwaring natatawa. Bigla siyang ngumiti sakin na parang nagi-guilty ako. Gusto kong sabihin. Pero pano kung magalit siya? Pano kung hiwalayan niya ulit ako? Hindi ko alam ang gagawin. Sobrang nalilito nako. Napatayo ako sa kama at niyakap siya mula sa likod. Naiiyak ako at ayokong mag lihim sakanya. Napakasama ko. "Hon? Bakit ka umiiyak?" Nag tatakang tanong niya at inilipat ang pag kakayakap ko sa harap niya. Niyakap niya ko ng mahigpit sabay sabing "Wag

