Gray Tyson Villarza
Author's Point of View.
"Aling Celia pautang naman.." ani Gray sa nag tindera. Tapos na kasi ang kanilang klase kaya ngayo'y nag memeryenda sila sa paborito nilang street food.
"Nako Gray lagi nalang!" Inis na sabi nito. Gray just laughed at hindi ito pinakinggan at kumuha ng stick at nag simula ng mag tusok.
Hinayaan nalang siya ng matanda dahil sanay naman na sa kaniya, Sampong piso lang naman ang kaniyang utang dito. Sinawsaw naman niyo ang kaniyang fishball at sinubo nakailang ulit na siya at sa tingin niya'y hindi na ata sampong piso ito.
Who cares, hindi naman nakatingin at abalang abala sa pag chichikahan. Napailing naman siya at kumain nalang.
"Hoy!" Napatingin naman siya sa sumigaw na iyon na nakakunot ang nuo.
"Hoy gago" he said to mateo, he's best friend and classmate. Binaling niya muli ang pagkain at pag tutusok ng fishball.
"Libre moko" ani nito, hindi niya ito sinagot at iniwas ang tingin.
Ngunit makulit ito kaya hinuhuli at hinaharang pa ang mukha nito sa kaniyang paningin.
Kumunot ang noo ni gray at "Utang ko lang 'to"
"Hindi kaya malugi si aling celia at utang ka ng utang!" Pag paparinig ni mateo. Halos gusto niya itong sapakin dahil nakuha nito ang atensyon ni aling celia.
"Hoy hoy.. naka mag kano kana?" Tanong nito, na alarma naman si gray at sinamaan ng tingin si mateo. Nag pipigil ito ng tawa sa kaniya.
Iniwas niya ang tingin at tumingin sa matanda "fifteen pesos lang naman aling celia.." aniya na nag papaawa, dahil may itsura siya, tila nakuha niya ang kiliti ng matanda.
"Oh siya siya.. baka madaan ako sa bahay ninyo dahil nadadaan ako sa kalye niyo. Papatawag nalang kita sa mga batang nag lalaro ha?" Ani nito, tumango siya ng sunod sunod ng may ngiti sa mga labi.
"Sige ho" aniya at tinapon na ang stick sa basurahan. "Salamat po" dagdag niya, tumango naman ang matanda at binaling ang tingin sa mga kausap kanina.
Humarap siya sa kaniyang kaibigan na nakangisi ngayon, tinapik niya ang tyan nito kaya natawa itong muli.
"Gago ka talaga no?" Aniya, hinawakan naman niya ang kaniyang strap ng bag.
"Matagal na" napailing nalang siya sa sinabi ni mateo at nag simimula na silang muling mag lakad.
Makauwi siya sa bahay napabuntong hininga si Gray ng makitang walang ilaw ang labas. Mukhang nag away na naman ang kaniyang magulang at hindi gusto ng kaniyang ina na umuwi ang asawa nito.
Pag kuwan ag pumasok siya sa gate na halos masisira na. Isa sa mga pangarap niya ang mag karoon ng magandang buhay maging ang bahay, pangarap niya din ang pag aayos ng kaniyang magulang dahil sa madalas nitong pag aaway.
He's taking engineering course that's why he was studying really hard. Matalino naman siya at masasabing may kasipagan kaya pinag pupursigi ang pag aaral.
Sumalubong sa kaniya ang sofa nila at nakitang nanunuod ang kaniyang babaeng kapatid na mas bata sa kaniya.
Napatingin naman ito sa kaniya habang may ngiti sa labi "Kuya nanjan ka na pala" sabi nito. He sighed and forced himself to smile.
"Kumain kana kuya?" Tanong nitong muli at sinundan siya. Kumuha siya ng pitchel sa maliit nilang ref.
"Oo kumain ako, sa labas" sagot niya at uminom sa baso. Nakatingin lamang sa kaniya ang kapatid.
Pag baba niya ng baso "Nag away na naman Kristine?" Tumango ito may malungkot na ekspresyon sa mukha.
Muli siyang napabuntong hininga at sinauli ang pitchel sa ref. Nasasanay nalang silang mag kapatid sa pag babangayan ang kanilang magulang sa nag daang panahon.
Kaya pursigido siya sa pag aaral dahil sa pamilya niya dahil siya nalang ang inaasahan. Siya ang panganay kaya siya ang mag aahon sa kanila sa buhay.
Mabuti't pa nga'y naka pasok siya sa magandang ekwelahan dito sa Bulacan kahit pa man province ito'y nakakapag aral naman siya dahil sa tito at tita niyang nasa ibang bansa at sila ang sumusuporta sa kanilang mag kakapatid.
Kaya bawal sumuko. Bawal ta-tamad tamad sa buhay.
"Gisingin mo nalang ako pag kakain na o kaya'y nag aaway sila ha.."aniya sa kaniyang kapatid at ginulo pa niya ang buhok nito.
"Sige kuya.." sagot ng kaniyang kapatid, tumango nalang siya at pumunta sa kaniyang kwarto, Pabagsak siyang humiga sa kama at napapikit ng mariin.
"Laban lang Gray.. kaya mo 'to" aniya sa kaniyang sarili at tuluyan na siyang hinila ng antok.
"Hello po tita" aniya ng sinagot niya ang tawag ng kaniyang tita.
Nandito siya ngayon sa BDO at may pinadala na naman sa kaniya ang kaniyang tita at tito sa ibang bansa, nasa labas lang siya ng mall dahil nandito lang naman..
"Iho.. nakuha mo naba?"
"Ngayon palang po ako mag wiwithdraw po, kasalukuyan po akong nandito" aniya, at pinunasan ang panyo sa iilang butil sa kaniyang noo.
"Sige iho.. baka matagalan ang pag papadala namin ha. Medyo ipit na dito sa Saudi at medyo nag kakahirapan kami ng tito mo" ani nito, lihim siyang napabuntong hininga.
Tinuring na siya ng halos na anak ng kaniyang tito at tita na nag trtrabaho sa Saudi at naiintindihan naman niya ito dahil sila na halos ang nag paaral sa kaniya nitong kolehiyo at wala siyang karapatan na magreklamo.
"Okay lang po tita!.. kaunting kembot nalang ho! Graduating na ho ako.. may engineer na ho sa pamilya natin!" Pag mamalaki niya gamit ang masayang boses.
He used to it, bawal mang hina. Bawal ang malungkot. Bawal mawalan ng pag-asa.
"Mag aral ng mabuti iho.." ani nito, nag paalam na sila sa isa't isa at binabaan na siya nito ng tawag
Graduating na siya kaya ilang buwan na lamang tapos na ang pag hihirap nila maging ng tito at tita niya, mawawalan na ito ng pasanin sa buhay.
Ngumiti siya at timapik ang kaniyang dibdib na matigas "Ho! Kaunti nalang gray.. kapit lang, kapit" aniya sa kaniyang sarili, wala naman ibang mag papalakas ng loob sa kaniya kaya'y siya ang gumagawa nito. Malungkot pero kakayanin.
Sa wakas lumabas na ang pera. Agad niya itong nilagay sa walet at nilagay sa kaniyang bulsa
"Hi gray!" Bati ng iilang babae pag kadaan niya sa hallway ng engineering building
Nginitian lang ni gray ito, dahil nakakaramdam siya ng hiya dahil hindi naman niya ito kilala. Dahil may kagwapuhan nga siya'y kada daan niya halos mga babae napapalingon sa kaniya kaya nasasanay narin siya.
Napailing siya sa kaniyang naiisip dahil nagiging mahangin na siya..Well totoo namang gwapo siya.
"Hoy gray tabi tayo!" Ani Reina sa kaniya, may pag kaboyish ito. Agad naman siyang umupo sa tabing upuan nito.
"Alam mo ba may bagong chixx pre sa kabilang section" napalingon agad siya.
"Ano name?" Usisang tanong niya agad, mapaglarong nginitian siya nito
"Uy.. nag bibinata na" pang aasar nito, napailing naman siya
"Maria Selene Angeles" tumango naman siya at napahawak sa baba.
"Nice name.." aniya, kaya natawa ito.
"Ganda pre! Chix na chix" tinaas pa nito ang dalawang kamay at nag hulma ng sexy na figure.
"Royal pre, royal" dagdag pa nito, napailing siya at iniwas ang tingin
Dalawang taon na niyang kaibigan si Reina ngunit hindi pa niya itong nakitang nahumaling sa isang lalaki maging sa kaniya, kaya'y naging kaibigan niya ito dahil malinis ang intensyon at hindi umaasa sa kaniya. Tomboy nga ito ngunit may itsura ngunit nahuhumaling talaga sa babae, at babae ang gusto.
Sa halos na mag 4 na taon na niyang pag aaral hindi siya kailang ma'y nanligaw at gusto gusto lamang, hindi niya hinahayaang lumalim iyon dahil sa tingin niya'y ang pag ibig ang sisira sa kaniya, maging ang pangarap niya.
Iniwasan niya lahat ng babae kaya'y puro lalaki ang kaibigan except sa kaibigan niyang nag iisang tomboy. Nakikita niya ang pag aaway ng kaniyang magulang kaya tinatak niya sa kaniyang isip na hindi siya iibig.
Never.
Makailang minuto agad na dumating ang proff nila at nag simula ng mag discuss ang sakit sa ulo ng calculus ngunit pinag aaralan niya naman ito ng mabuti at agad na nakukuha.
"Sana all" ani reina sa tabi niya makita ang score nila sa quiz nila
Perfect lang naman kasi siya kaya wala ng bago sa kaniya
"Mag aral ka kasi, puro ka kasi chix" aniya sa katabi niya. Inirapan siya nito kaya siya natawa
Tomboy tapos nang-iirap.. pang babae lang iyon hindi ba?
"Fishball uli?" Tanong ni mateo sa kaniya, umiling siya at tumingin sa wrist watch niyang mumurahin.
Atleast merong relo. Ano naman kung mumurahin o mamahalin, parehas lang naman yun.
"Hindi 6pm na baka mag hapunan na ako" nag simula na muli siyang mag lakad nasa gilid naman niya si mateo.
"Nag aaway na naman?" Tumango siya.
"Yeah.."baritonong boses na sagot niya at nag simula na mag lakad.
Walking distance lang naman saka mas makakatipid saka mag uunahan pa pag nag tricycle siya o kaya'y jeep. Mas hassle kaya wag nalang, mas magandang maging praktikal tayo sa buhay.
"Aling neda, isa ho nga nitong gulay saka shanghai" aniya at tinuro pa. Agad naman nitong nilagay sa plato.
"30 pesos nalang pogi.." ani nito at kinindatan pa siya, nailang naman siyang tinggap ito at sinuklian siya at inabot ang bayad
Pag kaabot kinilabutan naman siya paraang pag haplos nito sa kaniyang kamay. Ngunit nginitian niya nalang ito
"Rc pogi?.." alok nito kumukuha kasi siya ng tubig sa water jog dito
"Libre nalang.. basta ba't lagi kang kumain dito ha" ani nito at inabot sa kaniya, nag pasalamat siya at alangan na ngumiti.
Napailing naman siya pag kalabas at hindi parin ininom ang binigay ng matanda. Nakakakilabot tangina.
Iinumin koba?, baka mamaya may love potion na nilagay dito at mag habol pa ako sa matandang byuda na iyon.
Napailing naman siya sa sinabi, at ininom nalang. Nag simula na muli siyang mag lakad ngunit naka salubong niya si aling celia.
"Bili kana" pang anyaya nito.
"Aling celia talaga.. kakakain ko lang inaakit ako ng paninda mo" aniya at nag lakad papalapit sa dipadyak nitong fishbolan.
"Utang to ha! Bukas ko ho babayaran paubos naman na" tumusok naman siya ng natirang piniprito nito.
"Sige sige ng makauwi na ako" dagdag nito, tumango naman siya at nag simulang kumain.
Nag taas naman siya ng tingin sa kaniyang nakita. Nanlaki ang mata niya dahil tila namamalik mata siya.
Ang weird.. matang tilang malamig at walang emosyon?
Nakakakilabot. Nag sitaasan naman ang kaniyang balahibo dahil sa biglaang pag pihit ng hangin.
Nag landas naman ang kaniyang mata sa katapat ng bahay.
Malamig.
Walang emosyon.
Siya iyon!
Siguradong sigurado siya!
Tila tumigil ang kaniyang mundo at bumagal ang lahat ng sa kaniyang paligid.
Gray gulped hardly, nakatingin sa kaniya ang nga matang iyon bumaba ang tingin nito sa labi nito at mabilis niyang tinaas ang kaniyang tingin sa mga mata nitong muli.
Malamig.. walang emosyon.. pag samahin pa ang mag didilim na kapaligiran at malamig na pag ihip ng hangin.
Kahit malayo kitang kita niya ito, hindi niya makita ang kabuan ng mukha nito dahil madilim ang parte na iyon.
I f*****g hate darkness!
Ang babaeng iyon ang unang nag iwas ng tingin at tumalikod sa kaniya.
Hanggang sa paguwi hindi parin maalis kaniyang isipan ang mga matang iyon. How good she was hiding her emotion behind those eyes ang galing lang!
Agad siyang humiga sa kaniyang kama at napapikit ng mariin .Malamig at walang kahit na anong emosyon.
Tuluyan na siyang hinila ng antok.
"Tulungan niyo ako!!" Ani ng isang babae at sumigaw ng pagkalas lakas dahil sa sakit nadarama.
Halos lumamig ang kalamlam ni Gray ng makitang malalamig nitong mata at ang walang emosyong mga mata iyon
Ngayo'y napalitan na.
Humihingi ng tulong.
Umiiyak
At humihiyaw sa sakit.
She looked at him, beg on her eyes "T-Tulong"
Napabalikwas naman sa pag kakabangon at hinahabol ni Gray ang kaniyang hininga. He's panting.
Pawis na pawis at ang kaniyang noo at ang kaniyang puso na tila na nasa karera dahil sa bilis ng pag t***k nito
Napahilamos naman siya sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad at umakyat iyon sa kaniyang buhok at sinabunutan ito ng mariin.
Fuck.. ano iyon?
I have to see her!.
Aniya at agad na tumayo at nag pasyahang maligo at pumunta sa babaeng iyon.