Chapter 7

3543 Words
Madaya.. "Cloud? Okay ka lang?" Muling tanong ni Gray kay Cloud. Kunot noong tinignan niya ito dahil nakatitig lamang sa kaniya. Ramdam na ramdam ni Gray ang biglaang kaba nito sa paraang pag hablot niya sa braso nito. "A-ahh.. oo" saad nito at binaba ang tingin. Agad naman tinggal ni cloud ang kamay nito sa braso niya. "Sure ka?. Wala ban-" "I'm fine.. okay lang.."she almost whispered and looked away. Napapikit ng mariin si cloud dahil sa bilis parin ng t***k ng kaniyang puso. Nag tatakang tumingin si Gray sa kaniya, napakamot ng batok si Gray at tumingin sa paligid. Parang wala lang sa kaniya and nangyari, back to normal uli sa pag hihintay ng tricycle kaya nag tataka parin si Gray sa kaniya. Cloud sighed heavily and opened her eyes, her heart didn't stop from beating so fast. Parang nasa karera ito kaya halos kapusin siya ng hininga. Ano yun?! What the hell is that!.. natakot lang ba ako?.. kinabahan? Should I thank him from saving me?.. pero.. nakakahiya dahil I almost stared at him! At tila natuod pa 'ko kanina! Agad na winagaway way ni cloud ang kaniyang kamay ng makita ang tricycle na walang sakay, agad na sinundan ni Gray ang tingin niya duon. Kahit alangan at takang taka si Gray sa galaw nito sa kaninang nangyari lang, he acted na parang wala din upang maging komportable ito. He don't expect a thank you' from her dahil siya lang naman ang makulit dito, maging ang kwe-kwento niya ng kung ano ano at hindi man lang siya kinakausap nito. Kahit mukha na siyang tanga, pinag papatuloy niya parin ang pag usap sa dalaga at mag babasakali. Pumasok ang dalawa sa loob ng tricycle may kaliitan ito kaya iritang irita si Cloud, she have ni choice dahil ito narin ang napata niya at walang sakay. Nang mag dikit ang kanilang siko 'y agad na iniwas ni cloud ang kung ano mang parte ng kaniyang katawan. What the.. kuryente?.. May kuryente at kung ano mang parang electric shock na lumukob sa kaniyang buong katawan at sistema. Iniwas niya ang tingin at lihim na napabubuntong hininga. Kahit pa ma'y gustong gustong kausapin ni gray si cloud but he hold it, ayaw niya munang guluhin ang dalaga dahil ramdam na ramdam niya ang pag ilang nito. Why she's acting like that?.. niligtas ko lang naman siya, and she's acting weird around me. Oh well, she's always like that. Ano pa bang bago sa kaniya. "Manong dito na ho' eto ho bayad" agad na inabot ni cloud ang barya niya. "Dito kana?" Gray asked her She nodded, hindi parin makatingin sa kaniya. "All right" he said, agad na lumabas si Hray sa loob ng tricycle upang makalabas si Cloud. Agad na tinalikuran ni cloud at agad na nag lakad papalayo dito. Napapikit siya ng mariin ng maalala muli ang senaryo kanina lang. Gray sighed heavily, sinundan niya nalang ito ng tingin hanggang sa malampasan ng sinasakyan niya ito. Nakakapag takang hindi ito papunta at hindi uuwi sa mismong bahay nito, hindi na nag aklukbing tanungin niya ito dahil iniwasan siya nito. Hindi makatingin sa kaniya at tipid ang sagot, ano pa nga bang bago. Pero mas ilang at todo iwas naman ito sa kaniya. Halos ilang araw niya din ito nakakasabay at hinahayaan lang siya ni cloud, minsan lang siya kakausapin o kaya titignan pag talagang inis na inis na sa kakulitan niya. And he's happy seeing her irritated He find she's cute- no, she's not. No I'm mean she's cute but. No- okay, fine she's cute. Ngunit hindi iyon, may something sa kaniya na gustong gusto ko, but I can't tell. Napapikit ng mariin si Gray as he walked alone in the street, maaga pa naman at medyo maliwanag pa. Siguro mga 5pm or kaya'y quarter to 6 mga ganon.. He's lonely, he felt so empty. Kahit pa ma'y mukha siyang tangang mag isang nag sasalita pero may kasama siya and that's cloud. He don't felt alone when he's with her, he's happy with her. Makapasok sa bahay, hindi na masyadong maingay ang kanilang bahay dahil wala ng imik ang kaniyang ama. Kung lasing man hindi na nanakit o kaya'y nag kakasagutan ang kaniyang ama at ina. Ang kaniyang kapatid naman busy na sa pag aaral nito grade 12 na ito at senior high, ilang b'wan na lamang mag fi-first year na ito at may balak na kumuha ng kursong pag memedisina o kaya pag do-doctor surgeon ang nais nito. Kaya pursigidong nag aaral at trabaho at inaatupag ni Gray dahil graduating na siya, para hindi narin sila abalahin ang kanilang tito at tita. Siya ang mag susuporta dito at sa gastusin nito. Kahit pa ma'y mahirap ang buhay, gusto niyang maabot ang nais niya sa buhay at syempre hindi mawawala at laging kasama niya ang kaniyang pamilya sa pangarap niya. He believes he will reach his dream and goal. Don't let anyone stop you from reaching your dreams. Just keep on going and chase your goal. Cloud let him around her dahil wala naman na siyang magagawa, dahil consistent ang kakulitan nito sa kaniya na makipag kaibigan. Cloud sighed heavily, while her eyes are close. Kakauwi niya lang mula sa trabaho gabi na siya nakauwi kaya pagod ang nararamdaman niya. It's been a days last time she dream of her nightmare. Nakakapag takang simula nuong hinayaan siyang kulitin siya ni Gray, hindi niya na muli ito napanaginipan. And she's relieved, it's been years ngunit hindi parin siya nilulubayan ng kaniyang panaginip. Sana'y hindi niya muli ito panaginipan, nag landas ang tingin niya sa kaniyang pulsuhan. May mga bakas parin ngunit ang mga bagong sugat nuo'y wala na, ngunit may marka parin ito. She closed her eyes again and sighed heavily. She's wearing a jacket since then, simula nuong tumongtung na siya ng kulehiyo maging nuong highschool. Nasanay na siya dahil sa mga marka ng nakaraan, maging mga bagong markang ginawa niya sa kaniyang sarili. It's been a days too, since she harm her self. She always been doing that dahil sa panaginip n'yang iyon. She stared at ceiling and sighed. Before she closed her eyes. Muling nag gising siyang nagising dahil sa tilaok ng manok mula sa labas ng bahay nila. Kahit pa ma'y inaantok pa siya agad siyang bumangon upang maligo, matapos maligo at nakapag bihis ng uniporme inayos niya ang kaniyang gamit na nasa table niya at nilagay sa bag nito. "Good morning lola.." softly on her voice, nang makalabas agad niyang nakita ang kaniyang lola na nag luluto. Niyakap niya ito mula sa likuran. "Maganda umaga apo.. o siya, siya.. maupo kana at matatapos na ito.." malambing na boses nito, ngunit hindi parin niya binitawan ang pag kakayakap sa halip mas hinigpitan ito. "Hay nako apo.. nag lalambing na naman ang ulap namin.." tumawa ang matanda at hinimas ang braso niya nakayakap sa tyan nito. Cloud smiled while her eyes are closed, sobrang comportable ang pakiramdam niya sa matandang nag alaga sa kaniya.. kahit pa ma'y hindi siya kadugo. They never failed show their love from her, bukod pa dun ang pag aalaga at pag aaruga sa kaniya.. "Maha po kita lola.. mahal kopo kayo ni lolo.." "Mahal na mahal ka din namin iha.." malambing na sagot ng matanda sa kaniya na mas lalong humaplos sa puso niya. Despite of everything of what she suffered from the past, ibang iba ang pakiramdam ng pag papakita ng pag mamahal sa kaniya nito. Halos sobrang kinahaplos ng kaniyang puso.. Napalinga naman sa paligid si cloud and her brows furrowed, hindi niya muli nakita ngayong araw ang lalaking lagi nandito sa umaga at maingay. Nakakapag takang walang maingay, kaya pala. Wala ito, but it's fine.. wala naman siyang paki dito. "Alam mo ba kung nasa'n ang laging pumupunta dito apo?" Tanong ng matanda at nilapag ang niluto nitong agahan. Simpleng sangag at pritong hotdog at itlog lang ito, simpleng agahan na nag papabusog sa kaniya araw araw. Agad na umiling siya at binaba na ang tingin sa pag kain at nilagay sa kaniya plato, gumawa ng ingay ang pag hila ng matanda ng upuan at umupo sa harap niya. "Nobyo mo ba iyon iha?" Agad na nanlaki ang mata ni cloud ng napatingin sa matanda, kung may kinakain at iniinom siya'y panigurado mabibilaukan siya. Cloud shook her head immediately, "Hindi po 'La.. hindi ko nga po kaanu anu yun eh.."saad niya at nag simulang kumain. Napasapo naman ng baba ang lola havang nakatingin sa kaniyang apo, "Bakit naman hindi apo.. kaibigan lang naman, akala ko nga'y nobyo mo 'yon.." pag papatuloy ng matanda. Muling nag angat si Cloud ng tingin sa matanda, "hindi ko naman po kailangan ng kaibigan.. okay na 'po ako sa inyo.." saad niya Ngumiti ng pag kalungkot lungkot ang matanda, "iha.." inabot nito ang kamay niya at marahang pinisil, naramdaman niya ang kulubot nitong kamay. "Alam kong may pinag dadaanan ka sa nakaraan mo pero.. hindi masamang hayaan mo ang taong gusto ka makilala.. basta kilalanin mo ng mabuti ha.." malambing na boses nito ngunit ang mata'y malungkot na tumingin s kaniya. Agad na kumirot ang puso ni cloud sa sinabi nito. Muling hinaplos at pinisil ang kamay niya, "At saka pa iha.. alam na'ting lahat ng tao mamatay.. at isa narin ako du'n maging ang lolo mo-" "'La h'wag mo pong sabihin yan.. pakiusap lola.." malungkot na sabi niya, nag simulang mag init ang gilid ng kaniyang mata. Kung iisipin niya na mawawala ang dalawang matandang halos nag alaga ng kalahati at halos ng buhay niya hindi niya na ito kinakaya. Maiisip palang niya na maiiwan na naman siyang mag isa, talagang hindi na kakayanin lalong lalo kung ang dalawang matandang nag alaga, nag aruga at nag alaga na halos buong buhay niya talaga guguho ang buong mundo niya.. " kailangan mo maging matatag sa buhay.. hindi natin masasabi kung kailan.. pero maaring mangyari iyon.. kailan mo maging matatag iha.." saad ng matanda kaniya, hindi na natiis ni cloud at agad siyang tumayo at agad na nag lakad papalapit sa kaniyang lola at mahigpit na niyakap ito. Sinuklian ng pag kahigpit ng matanda ang pag yakap ng kaniyang apo sa kaniya, ramdam niya ang pag basa ng kaniyang leeg at hinayaan niya lang ito. Hinahaplos niya ang likod, kahit pa ma'y ayaw nilang iwan ang kanilang apo ngunit hindi natin masasabing mag tatagal tayo sa mundong ito.. Agad na napabuntong hininga si Gray habang inaantay ang dalaga sa labas ng gate nito. Malamig ngayong umaga dahil mag hapong umulan kaninang madaling araw, mabuti nalang hindi nag uulan ngayon ngunit makulimlim. Mabuti nalang kung hindi mahirap na naman ang pag pasok ng tao sa kanilang eskwelahan o trabaho dahil sa ulan at maging maputik na daan at pahirapang makasakay. Hinipan at kinukos niya ang kaniyang dalawang palad upang mag init ito. Narinig niya ang ingay ng gate kaya agad na napabaling siya ng tingin. Napatingin siya kay cloud, lagi naman itong naka jacket kung papasok mapainit at lamig. Hindi niya nga masabi baka may topak na itong babaeng ito dahil umagang umaga at tirik na tirik ang araw ay naka jacket parin. "Magandang umaga ulap!" Masiglang boses niya, agad naman na napatingin sa kaniya ito at sumalubong sa kaniya ang walang emosyon maging ang malamig nitong titig na mas malamig pa ata sa panahon ngayon. "Walang maganda sa umaga" malamig na boses nito at agad na nag lakad. Agad sinundan ni Gray ito. "Meron kaya. Nagising ka, nakakain ka, papasok ka sa school. May nakita kang gwapo ngayon ngayon lang tapos makikita mo uli siya papasok sa school, makakasabay mo siya sa school, makakasama mo siya mamaya sa library, makasama mo siya ngayong araw, makakasabay mo siya sa pag uw-" "Wala akong pake" simpleng sabi nito na nag patigil kay Gray sa pag sasalita. "Edi wala, pero okay lang gusto mo rin naman-" Kunot noong tinignan ni cloud ito, "Sino nag sabing gusto ko?" Gray smile widely, ngayong araw ay bago sa kaniya dahil sumasagot na ito sa pangungulit niya. Ngumiti siya na lumabas ang dimples nito at tinuro ang sarili, "Syempre ako!" Masiglang boses niya. Napailing si cloud at iniwas na ang tingin. Nag simula na siyang mag lakad na agad sumabay ang lalaking hambog sa kakulitan. "Ano sasakyan mo ulap?" Tanong muli ni Gray. "Sasakyan" simpleng sagot ni cloud. At luminga linga sa paligid upang tignan kung may dadaang tricycle o kaya maliit na jeep. "Mag tri-tricycle ka o jeep?" Tanong ni gray muli. Sa halip sagutin niya ito nanahimik siya "Okay kahit sa'n ka, pasabay" nag kibit balikat si gray at hinawak ang strap ng kaniyang bag at luminga linga sa paligid. "Bayad po." Saad ni cloud at inabot ang bayad niya mula sa jeep. Agad na kinuha ni Gray ang kamay niya at binaba, napatingin siya dito. Agad na ngumisi sa kaniya si Gray, "Ako na" kumindat pa ito sa kaniya Agad na iniwas ni cloud ang tingin ng maramdaman niya muli ang nag lilikot sa kaniyang tyan. "Bayad po.. paabot nga po ate" saad ni gray at inabot ang kaniyang kamay. Napatingin ang babae sa kaniya at agad na kinuha ang bayad niya at may halos pa itong haplos ngunit hindi niya ito pinansin. "Salamat" simpleng saad niya at iniwas ang tingin. Agad siyang tumingim kay cloud nakatingin sa labas ng jeep, napatingin siya sa pilik mata nitong kay haba. Agad na umusod sila ng may papasok na bagong sakay. Agad na nag dikit ang kanilang hita at naamoy niya muli ang mabango nitong amoy maging ang buhok nito, pilit na iniiwas ni gray ang kaniyang tingin. "Aray naman. Sikip sikip na eh" saad ng babaeng pasehero ng may sumakay at sumiksik. Ramdam nila ang sikip dahil halos mag kadikit dikit na sila, dahil nasa dulo si cloud. Nasisik sik niya na ang dalaga. "Manong puno na ho! 'Wag na ho kayo tigil ng tigil at ang sikip na ho' dito. H'wag po kayong swapang sa pera at lahat po kami bayad dito. Try mo kaya dito manong!" Sigaw ng isang babae. Tama ito, dahil ang sikip na talaga. At siksik na silang lahat, ang drayber naman ang swapang at tumitigil pa. "Sorry ulap ha.. nasiksik ba kita?" Bulong ni Gray kay cloud. "Sakto lang" simpleng sagot nito, agad napalabi si Gray dahil kung siya din ay nasasaktan din dahil sa pag siksikan. "Dito na nga kami tanginang driver yan, swapang mo uy!. God bless nalang sa'yo!" Mga paseherong ingit nila ng makakababa. Agad na tumingin si Gray kay cloud na ngayo'y nag aayos ng uniporme at skirt nito. "Nasaktan kaba ulap?" Nag aalalang tanong niya. Agad na nag angat ito ng tingin at sumalubong na naman ang nata nitong kay lamig. "Obvious ba?" Simple at malamig na sagot nito at nag simulang nag lakad. Napangiti naman si Gray dahil sa asal nito. She look so cute-, no. I mean ang ganda- okay fine, she's cute. "Sa'n ka nga pala pumunta nung pag kauwi natin kahapon, ulap?" Bulong na tanong ni gray kay cloud. Matapos ng klase ni Gray agad niyang hinanap ito, usually na routine nito'y library. Nilipat ni cloud ang pahina ng libro, "Sa tabi tabi" simpleng saad niya at nag basa muli. Tumango tango naman si Gray habang nakatingin parin kay cloud, hindi naman talaga niya maintindihan ang mga libro dito dahil hindi naman niya ito kurso kaya sa halip na mag basa nagagawi ang tingin niya sa babaeng nag babasa. She look like masterpiece in the painting.. She's beautiful-, no I mean. Yes, I mean yes. She had a natural beauty. Okay fine, yes maganda nga ito. "Sa'n sa tabi tabi" "Basta." "Pwedeng sumama?" Agad na nag angat ng tingin si Cloud, "Hindi pwede" "Bakit hindi pwede?" Pangungulit nito. Halos gustong sabunutan ni cloud ang kaniyang sarili. "Kasi hindi pwede" simpleng saad niya. "Pwede ako dun" muling sagot nito. "Manahimik ka nalang ingay mo" inis na boses niya habang nag babasa. "Sige na kasi ulap.. pwede ako dun-" napatigil si Gray ng tignan siya ng cloud ng tingin na nag bigay kilabot sa kaniya. "Sabi ko nga, shutup na'ko.."he zipped his mouth. And returned reading the book. Agad na napabuntong hininga si cloud at nag simula na muling mag basa. Mabuti nalang nanahimik na ito dahil kanina pa siya nito kinukulit at kinakausap ng kung ano ano, kahit ayaw niya ito sagutin even a respon but she found her self talking and responding of what he's saying. Wala lang naman sa kaniya 'yon, para manahimik narin ito. Palahim na tinigan ni gray mula sa malayo si cloud na nag hihintay ng masasakyan, hindi muna siya nag pakita at walang balak na sabayan ito upang makita niya kung sa'n ito pumupunta. Agad na sumakay siya sa tricycle ng makita sumakay na ito, may kasabay ito kaya maging siya. Sumakay siya sa likod katabi ng tricycle driver "Manong pwede ho' bang sundan mo po yon" tinuro ni Gray ang tricycle na nasa harap nila. Parang nasa pelikulang sinusundan nu'ng original na asawa mula sa taxi ang peg niya, pero hindi. He's riding a tricycle at hindi kabit o kung ano man, kaibigan. Pero 'di siya tinuturing na kaibigan. Napailing nalang siya sa naiisip. "Sige iho', basta ba'y hindi lalandas ng ibang daan ha may iba pa kong sakay" "Sige po salamat manong ha" saad niya. At tumingin sa paligid. "Ayun ayun! Dito nalang manong salamat manong" binigay niya ang bayad pag kababa niya. Napatigil sa pag lalakad si Gray. Nang makita niyang pumasok ito sa fastfood. Agad umangat ang dalawang kilay ng Gray Kakain siya dito?.. paborito pala ni ulap dito?.. bakit araw araw naman.. Sana all mayaman.. Marahas na nag pakawala ng hininga si Gray, mukhang may I kw-kwento na naman siya sa dalaga at makukulitan na naman sa kaniya. Mahinang natawa siya at umiling, nang pipihit siya patagilid upang mag hintay ng sasakyan. Agad na pumukaw sa kaniyabg mata ang isang babaeng baka uniporme katulad ng mga crew sa kainan na 'yon Cloud.. She's working here?.. Nag trtrabaho pala siya dito?.. "May bagong hire daw ah.." rinig na pag uusapan ng kasamahan ni cloud sa trabaho habang nag huhugas siya ng kamay sa c.r "Oo bes! Ang gwapo ay!" Maharot na boses nito at narinig niya pa ang pag hampas sa kaibigan. Agad napatingin si cloud sa repleksyon sa salamin at napataas ang dalawang kilay. May bagong hired na crew eh sandamak mak na at hindi nga sila nag paskil ng hiring mula sa labas ng kainan.. Napailing siya at pinatuyo ang kaniyang kamay. Kumuha siya ng tissue matapos tuyuin ay tinapon sa basurahan. "May bagong hire daw?.." "Oo nakita ko nga kanina.. ang gwapo.." "Talaga?.." "Oo kaso.. mukhang ang bata pa.. dahil naka uniporme na pang college sa may capitolyo nakalimutan ko name ng school.." "Tanga! Hindi uy! Narinig ko kanina nag seserve ako ng customer 21 na!" Tumili ang dalawang babae. "Seryoso?!" Excited na boses nito. "Oo bes! Ang hottie and cutie!" Muling sabi. Napakunot ang noo ni Cloud, dahil kanina niya pa naririnig ang usapan at iba't ivang chismisan mula sa mga ka-trabaho niya. Kesyo 'ang gwapo' 'hottie' 'cutie' nga daw. Napailing siya at agad na lumabas. "Miss pwedeng makakuha ng tubig?" Tanong sa kaniya "Opo.. nasa'n ho ba ang table niyo ako napo mag dadala" magiliw na sabi niya. Bukod sa masarap ang pag kain dito. Kilala rin ang fast food chain nila sa mga trabahador na kay ba-bait. Kahit bukal sa loob niya dahil hindi naman siya ganto at tanging sa lola at lolo niya lang ang nakakakita pero kailangan. Makapag trabaho at maka-kita. "Salamat iha" pasasalamat sa kaniya ng babaeng may edad kasama ang matandang babae sa harap nito. Dalawa itong kumakain. Ngumiti siya "walang anuman ho'" saad niya bago nag paalam at umalis. Nag angat ng tingin si Cloud ng marinig ang pag uusap, napatigil siya ng makita ang lalaking walang ginawa kundi ang kulitin siya. Ang lalaking sumisira ng umaga niya dahil sa kakulitan nito. "You're hired now, please sumbit your birth certificate at maging ang I.d-" sabi ng manager nila dito. Agad na ngumiti si Gray at tumango "salamat po, bukas na bukas po ibibigay kopo at makapag simula na" saad nito Tumawa ng pag ka-arte arte ang manager" Drop the 'po', I'm just 25" nag pa cute pa ito. Hindi makapaniwala si Cloud ha ang nakatingin siya dito at halos umawang ang kaniyang labi. Anong ginagawa niya dito?! And wait.. siya ang pinag uusapan.. 'hotie' 'cutie' 'gwapo' at poging bagong na hire na crew?! Halos ilang beses na nag pabalik balik si Cloud sa fast food chain na ito upang ma hired lang pero ito?! Pa cute lang at dahil sa itsura at mukhang wala pang experience compare sa kaniyang halos pang ilang beses na mag trabaho kung sa'n sa'n at pahirapan pang ma-hire uli?! Madaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD